Friday, July 15, 2005

greetings from colombo



mukha naman kaming masaya di ba? :p

Sunday, July 10, 2005

field trip

Nung Sabado nagplano ang pamilyang pumunta sa Deli-Mart. Sabi ng taga-bank masarap daw dun at maraming pag-pipilian. “Deli-Mart?” Hmm…para kayang Market-Market to?, inisip ko. Pagpunta namin kahapon, isang food court lang pala siya. Marami choices – oriental, italian, indian , salad bar, dessert shop, oriental, italian, indian…

Parang sa Eats siya kung saan bibigyan ka ng swipe card para sa mga bibilhin mo at magbabayad sa paglabas. Yung iba nag-salad bar. May nag pasta. Di ko alam kung bakit naisipan kong bilhin yung fish and curry in rice. Unang tikim ko pa lang, suko na ako. May amoy siyang di ko makaya. Maihahalintulad (naks) siya sa amoy ng kanin na niluto ni Gerard dati. Okey ang rice kaso ang may amoy yung sauce ng isda. Binayaran ko na kaya konting tiis (…konting ulam na lang. yey!). Bumili na lang ako ng dessert para makalimutan ang lahat.

Nasa World Trade Centre pala ang Deli-Mart. May nag-shooting pa nga ng music video sa labas. Pag-daan sa set, nahinto ang take nila dahil lahat ng tao tumingin sa amin. Our fifteen minutes of fame.

Paglabas ng Centre ay nasa sea-side na. Naisipan naming maglakad papuntang Crescat (isang mini-mall). Lover’s lane ata yung dinadaanan naming beachfront. Kada limang metro may makikita ka na namang mag-siyotang nakatago sa payong (mahangin kasi e). At dahil mahangin, nag-fog ang glasses ko. Nasa lumang parte kami ng lungsod kaya parang natransport kami sa ibang panahon (temporary “sepia”-tinted glasses enhanced the effect – yung kulay kapareho ng kapag kinakalaban na ni Shaider yung boss sa ibang dimension overlooking sa mga bundok). Kung saan mala-Beach Boys ang tugtugin. Kung saan maraming nagtitinda ng ice cream. Kung saan ang mga lalaki ay naka-polo at mga babae ay nakapalda.

Nadaanan namin ang lumang parliament house nila, ang pinakaunang hotel (since 1864) sa Colombo at mga riles na mukhang gawa pa ng mga Ingles. Ilang minuto pang lakad at ang panahon ay bumalik sa ngayon. Malalaking gusali, busina ng kotse, modernong pananamit.

---

Masarap ang chicken shawarma nila rito. Perfect blend of marinated chicken, french fries and vegetables, with garlic sauce. Sa wakas, may food na nasiyahan ako. Sa mga may-ari ng Dine-mor, maraming salamat po. =p

Monday, July 04, 2005

series of unfortunate events

Natapos din ang lucky streak ko sa paglalaba. Nung linggo, nagkamali akong ihalo ang isang pulang t-shirt kasama ng mga itim na damit at yung paborito kong polo shirt. Okey na sana kaso naiisipan kong maglagay ng fabric softener for the first time. Di ko naisip na sa pagpasok ko sa aking mga labada, isang pagpapaalam na pala yon.

Di maganda ang pagkaka-dye sa red kong t-shirt kaya pagkuha ko sa mga labada pula lang ang nakikita ko. Yung polo shirt kong white and blue, ngayon pink and blue. Mga gray-colored kong socks gay-colored na. =(

Una ang pagkagulat, sumunod ang pagtanggap. Medyo matagal ko ring pinag-isipan kung bakit nagkaganun ang mga damit ko. Pero natawa na lang din – ito’y isang karanasan na sana’y hindi maulit.

Dahil sa mga pangyayari, napilitan akong bumili ng damit. Isa sa pinaka-ayaw kong gawin ay ang magshopping para sa damit. Di kasi ako mapili sa mga damit kaya madalas nagkakaproblema ako (ebidensiya na ang pulang t-shirt). Kapag computers siguro or electronics talagang pinag-iisipan ko (tingin sa mga reviews, magcanvas ng presyo, makipag-negotiate, atbp.). Sa mga damit, isa lang ang iniisip ko – basta kasya okey.

Sumama ako kina maam tess and miss cristine sa House of Fashion. At house of fashion nga talaga siya. Yung mga signs nila parang galing sa FTV: Lingerie, Winter Wear, at siyempre yung pang Homme.

Di homme-friendly ang store. Four stories siya na building at ang panglalaki ay nasa kalahati ng isang floor, katabi ang mga bagahe at women’s shoes and bags. Pero nakakaaliw dahil mura lang ang bilihin. Nakabili ako ng isang polo shirt, shorts at t-shirt sa halagang 400+ php. Makakabili ka ng long sleeves gaya ng Arrow at mga frenchie-sounding brands na di lalagpas sa 500php.

Nais ko rin sanang bumili ng pantalon kaso wala akong makitang fitting room. Nagulat na lang ako ng nakita ko ang mga nasa tabi kong biglang naghubad (fyi, lalaki sila at naka-shorts) at sinuot ang mga tindang jeans. May mga babaeng sinusuot ang mga blouse (over their shirts, siyempre) habang nagpo-pose sa salamin. Naiisip ko na lang papaano ang mga underwear na tinda nila kasi pwede mong ipagpalit ang mga bilihin. Buti na lang may sign: Due to hygienic purposes, we do not accept used underwear.

---

Naisipan ko ring magluto nung isang araw (pagluluto na rin ang pagpiprito di ba?). Ang sarap pa naman ng nakapicture sa box ng binili kong frozen chicken kieves. Nadisappoint ako dahil di lasang chicken ang chicken, pati na rin ang cheese filling na parang di keso. Inisip ko baka dahil masyadong passionate ang pagsunod ko sa instructions na fry until golden brown (naging deep brown siya) kaya pangit ang resulta. Yung sobrang pagprito ko pala ang magliligtas sa akin sa bingit ng malalang stomach ache. Kinabukasan nalaman kong expired na pala siya ng isang linggo. May mabaho kasi kaming naamoy sa kusina. Hinahanap ni Gerard at nalaman niyang ito ay dahil sa mga “fresh” (fresh as of two weeks ago) farm eggs na di namin naluto. Naisipan na rin niyang tignan ang binili niyang naka-freezer at nakita niya ang mga nag-expire na mga goods. Tinignan ko na rin ang chicken kieves ko at ganun din siya. Buti na lang medyo malakas ang bituka ko. Laking yakult kasi.

Lessons for the week:

1) Huwag ipaghalo ang mga puti sa de-kolor (at i-segregate kahit ang mga de-kolor) para di mag-shopping ng bagong damit.

2) Tignan mabuti ang expiry date ng mga bibilhin at kainin ang mga ito bago ang takdang petsa

3) Magdasal lagi dahil hindi mo alam kung kailan ka mamalasin at mangyayari si #1 at #2.

---

now showing: