Monday, August 01, 2005

extended

Na-extend na naman kami for the nth time. Di sa ayaw ng bank – in fact mahal na mahal nila yung system kaya pinipiga nila talaga. Masyado lang OC sila na dapat lahat ng mga issues ma-resolve na. Medyo mahirap ata gawin yon. Kaya buti na lang kinausap nina Catherine and Aravinth yung mga bosing kaya may matinong schedule na rin ang pagbalik namin. Sa katapusan ng Agosto(?) na raw. Malamang di na yon ma-extend pa ulit. Kundi maglalagay na ng presyo sa ulo ko ang dost =(

Dahil nandito si Catherine, nilibre niya kami sa isang Sri Lankan restaurant sa hotel niya. Kasama rin namin ang mga users, para mag-bonding daw (as if di na sapat ang dalawang buwang pagsasama namin. hehe). Outdoor restaurant ang Curry Leaves na may kasamang acoustic band na kumakanta ng kahit ano – Sri Lankan, Beatlesque, Bob Marley. Habang kumakain kami, may narinig kaming masayang tugtugin sa daan. May kinakasal pala - tradisyon nila na iparada ang bagong kasal sa siyudad kasama ng malakas na tugtugin. Mahalaga ang komunidad sa kultura ng Sri Lanka kaya ganito ang nakasanayan nila. Sa pag-alis namin mga ala-una ng umaga, nakita pa namin ang bagong kasal paalis ng hotel. Nag-reception pala sila sa ballroom. Nagtaka lang din ako bakit sila yung huling umuwi. Sa mga movies sila yung nauuna, nakasakay sa isang magandang kotse na may lata sa likod. Dito, sumakay ang dalawa sa lumang pulang auto. Pagod? Masaya? Siguro lahat ng iyon ang nadama nila matapos ang lahat ng kanilang pinag-daanan upang makaabot sa puntong ito.

Nung Sabado, naisipan na magbowling kami sa Arena. Mga 20 minutes lang ang layo galing sa hotel kaya nilakad namin. Napadaan kami sa mga tindahan para sa damit pambata, Kidz. Mahirap maka-relate sa mga mommies habang kinakalikot nila ang mga bilihin. Halos pambabae laht ng mga paninda kaya sa tabi na lang kami ni Gerard. Pero nakakaaliw yung store – maraming gown (para sa mga sasali sa Little Ms. Philippines), at may makikintab na skirt (sa mga babies na may nightlife).

Matapos sa Kidz, tumawid kami para pumunta sa isa pang gusali. Nalito na naman kami sa right-hand driving (Tawid na tayo, malayo pa naman. | Teka, sa other side yan. Bilis!!!). At nahulugan ng tae ng mga uwak si She-Who-Must-Not-Be-Named. May nabasa ako na swerte raw ang ganun. Pero tinanggal niya kaagad. Sayang, di ko na malalaman kung totoo nga yun.

Nakaabot din kami sa Arena, kung saan nakakita kami ng ibang Pinoy. Sa susunod na Linggo, may All-Pilipino bowling tournament pala. Kaya nag-eensayo na ang mga kababayan natin. Inimbita nila kaming sumali, may libreng lunch daw at premyo sa mga mananalo. Di ko alam kung ano ang plano ng grupo.

Matapos ang dalawang buwan, nandito pa rin kami. Pagod, masaya, nalulungkot, nananabik. Go live? Medyo malayo pa yun. Go bowling na lang muna.

---

side note: di ganun kataas ang nakuha naming score sa bowling. mukhang kailangan kaming paulanan ng bird droppings kung sasali man kami sa tournament.

try namin magpost ng pictures within the week

6 comments:

francesbean said...

Grabe ah, na extend na naman.. :(

makikintab na skirt (sa mga babies na may nightlife -- natatawa ako dito hehe...

ianclarito said...

hehe. kay fe ann yung words na yun. naaliw lang din ako. :D

pero nakakamiss na talaga ang pilipinas, politics aside. =(

Alec Macatangay said...

post mo rin yung pictures nung bird droppings.

ianclarito said...

alec: post mo rin yung pictures nung bird droppings


hehe. tamang-tama pala yung nakuha kong pictures last sunday.

blue_palito said...

mukang kelangan nu na umuwi next month kasi bowling ata next project ng SoC.

ianclarito said...

ows? aba praktisado na pala kami pagbalik namin. hehehehehe.