Pero sa totoo lang, di naman ako gaano sumaya nung nalaman ang pag-uwi. Hindi pa nag-sink-in ang feeling na talagang makakabalik na sa
Maraming pinapaayos at ginagawa kaya di na ako nag-update ng blog. Kaya mag-recap na lang ako:
bowling
Sumali kami sa All-Pilipino bowling tournament. Nag-meeting pa kasi ang mga mommies kaya ang kids (Gerard, Ian, Libay) ang naging representative. Team Wala Lang kami. Pero di sa wala lang ang paglaro namin. Yung unang dalawang round ay para maayos ang bracket kung gaano ka-galing (o ka-malas) ang mga teams. Ang third round ang naka-bracket na. May trophy ang kada-tao sa team na mananalo. Magandang ilagay sa corner yung bowling trophy – maliit, kumikinang, pinaghirapan. Kaya Ganado kaming maglaro, kahit na di nag-praktis.
Sa unang dalawang round ang pangit ng laro namin kaya nalagay kami sa bracket C – ang Needs Improvement bracket. Pero humirit din sa final round – nakuha namin ang pinakamataas na team score (kung napapansin niyo, di ko nilalagay ang mga scores namin. sa totoo lang, mababa yung mga nakuha namin – lumulutang sa 100. hehehe).
Akala namin nanalo na kami. May nag-congratulate na nga e. Dahil ang bracket C ang pinaka-una sa lanes, hinintay namin matapos ang ibang brackets. Natapos din ang lahat ng laro kaso pinahintay na naman kami ng halos dalawang oras. Nahirapan silang magcompute ng scores. “World-record” daw ang attendance, 31 3-person teams ang nakilahok sa tournament.
Matapos ang lahat, talo pa rin kami. Kahit pinaka-mataas kami sa final round, di namin kaagad nalaman na ina-average pala ang lahat ng rounds. Handang-handa pa naman kami sa acceptance speech. Sa susunod na lang.
pag-alis
Halos tatlong buwan na pala kami rito sa
May mga nabago rin sa amin. Kung sa Manila ang weekends ay para manood ng sine o kumain sa labas, dito masaya na kami na nakakapanood ng Desperate Housewives at makita kung sino ang iinterbuyihin ni Oprah ngayong linggo. Dito ko rin nalaman na mapalad tayo na mabilis ang internet sa opisina – sa totoong buhay di pala ganun lagi :p
May ma-miss din ako sa pag-uwi. Yung ngiti ni manong janitor na natututong mag-English (kami ang ilan sa mga test subjects niya) na kahit di namin naiintindihan minsan ang salita, naiintindihan namin na nandirito siya. Mamiss ko rin ang paglalakad sa lake, na kahit maraming tae ng uwak, nakakapag-munimuni ako tungkol sa mga nagawa at dapat gawin. Mamiss ko rin ang mga taga-bangko, na kahit makulit kung minsan alam kong ito’y dahil mahal nila ang sistema na aming ginagawa. At kahit na rin sina ama at tito, talagang makulit pero alam mo namang may mapupulot ka ring aral kahit papaano.
Ang di ko lang mami-miss ang mahabang buhok ko. Mainit e. Mahal kasing magpagupit dito. Kaya sa pagbalik sa
1 comment:
bago ka magpagupit patengen muna. pakita ka muna sa min.
ngapala, tamang tama kakantahin mo yung ordertaker.. bagay yun sa long hair. nyehehe..
ingat sa paguwi. sna nga makauwi na kayo.
Post a Comment