Wednesday, January 31, 2007

ramblings from delhi

* ang lamig pala sa delhi. nasa 10 degrees celsius ang temperature kaya di na kailangan mag-aircon. nakaka-dry ng balat ang ginaw. buti at me heater kami sa apartment. simula march sobrang init naman.

* parang probinsya yung lugar namin. Naraina ay isang industrial area - medyo maalikabok, medyo magulo. pero para sa kanyang ilang libong residente, ito ay ang nakasanayan na nila.

* me nagtitinda ng refrigerated ice water sa sidewalks. para siyang dirty ice cream, pero imbes na ice cream e...ayun.

* kapag naglalakad sa sidewalk, maraming klaseng amoy ang iyong pwedeng malanghap. buti na lang matapang ang insenso sa mga tindahan. para ka lang naman nag-perfume ng tiger katol.

* siga talaga ang mga baka sa india. kung trip nila, pwede sila humiga sa gitna ng highway o lumakad ng soooooobrang bagal sa sidewalks at wala kang maririnig na busina o reklamo. in an unrelated story, masarap ang cup noodles na bulalo flavor. tikman niyo.

* sa mga bookstores nila, ang raming libro at ang mumura pa. oracle technical books na tig-ilang libo piso, mabibili ang indian (in-english, pero di kasing ganda ang papel na gamit) edition ng mga 500+ php. eragon (motion picture edition), mabibili sa halagang 300 php.

* meron kaming napuntahan na shopping district, ang connaugh place. mga 20+ minutes ang layo sa naraina. dito makakakita ng mga western-themed shops. mcdonald's, fridays', adidas, rbk, van heusen. ilan sa mga dinadayo ng mga tao - foreigner at lokal.

* pag nasa 5th floor ka ng mall, ano ang pinipindot mong button sa elevator kung gusto mo bumaba sa basement 1? siret? Press -1. 0 ang ground floor nila.

* mukhang kaka-introduce pa lang ng mga escalators dito kasi ang hilig nilang tumambay sa harap ng escalator kaya mahirap makaakyat. saka me ibang tao na takot na takot dun - me nakasabay ako ng kumapit ng mahigpit sa asawa sa first step pa lang. meron naman iba parang tumatapak sa hot spring - isang paa muna.

pictures: http://ianclarito.multiply.com/photos

4 comments:

francesbean said...

interesting observations; how's the food? :)

re: frogs - sa HK :) Nakita ko yung cosmopolitan hotel mo!

ianclarito said...

haha.

food is surprisingly okay. me curry na niluluto para samin that's not too spicy. saka me nan, yung bread na freshly-made kaya masarap.

kakahiya talaga kumain ng beef dito. yung canned beef sausage ko, tinatanggal ko yung label. hehe. baka lang mag-react sila.

sa prices naman, kung foreigner like us, comparable to manila prices since laging sa western-themed places kami kumakain. mas makakamura talaga pag lokal, especially with the food choices.

punta na pala kayo hong kong?

single_mom said...

haha. nung nasa mumbai kami, me isang matabang babae na sumakay sa escalator sa harap ko. bago pa lang talaga ata ang paggamit nila ng escalator. na outbalance sya! mabigat!! buti na lang me mga guards per floor para siguro nga sa mga ganung incidents. kaloka! but yes, books are cheap in india!

Unknown said...

best executive mba in india
When we were in mumbai, a great lady was riding on the lift before me. just before utilizing the elevator.