Wednesday, December 12, 2007

mumbai day trip (pt 2)

Medyo malayo na rin ako sa VT kaya naisip kong bumalik dun. Tumawag nako ng taxi sa tabi. Malulupit din mga taxi nila rito – ginagawa nilang stand ang street corner. Bente pesos lang ang flag down ng taxi. Isang kilometro ang consumable nito at bibilis na ang patak ng metro matapos yun. Sa dinaanan namin, me nakita akong clock tower sa bandang malayo. Pagdating sa corner ng stasyon, sinubukan kong i-retrace yung route.

Di pa nalalayo sa stasyon e me malawak na cricket field. Ang daming mini-matches na nilalaro. Sa labas ng pitch, naghihintay ang isang ‘fan’. Mainit kasi kaya nasa lilim siya ng puno nanonood.

Lagpas ng cricket pitch napadpad ako sa isang kalyeng maraming tinda ng mga sari-saring damit at gamit pambahay. Eto na pala ang Fashion Street. Sinasabi nila na me mga Bollywood stars ding dumadayo rito. Sa mga mahilig mag-bargain, eto ang lugar para sa inyo.

Ilang tawid pa ng highway at nakarating din ako sa clock tower. Eto ang Rajabai Tower, na nasa loob ng University of Mumbai. Me spiraling staircase siya pero pinagbawal na nila ang mga turista kasi dati me malakas magtrip at tumalon. Tumugtog ang chimes ng clock tower. Pamilyar siya dahil naturo na sa akin nung nag piano lessons ako dati pero di ko maalala yung pangalan ng tune.

Natatakot kasi akong mawala kaya lagi akong bumabalik sa aking starting point na VT. Matapos ang escapade ko sa Rajabai, nag-retrace ulit ako - daan sa cricket pitch, lumagpas sa baka, tumabi sa Fashion Street. Nauuhaw nako at ano pa ba ang makakawala ng uhaw kundi isang tall glass ng fresh sugar cane juice. Mga anim na piso lang siya at matamis siya na me konting kagat ng lemon. Dumiretso pako ng konti at me nagtitinda naman ng fresh pineapple juice. Nagdadalawang isip pa ko kung bibili matapos ang sugar cane juice, pero sayang ang phytochemicals. Bottoms up.

Sunod kong stop ang Prince of Wales Museum na me mahabang Indian na pangalan na nakakatamad isulat. Itinayo ito dahil si Prince of Wales ay bumisita nung early 1900s. Para sa mga katulad ko, 300 rupees ang entrance at 100 rupees extra kung kukuha ng litrato (dapat walang flash). Para sa mga lokal at mukhang lokal, 10 rupees lang.

Me kasamang audio headset ang binayad kong tiket kaya naging educational ang visit ko. Sa piling mga artifacts o locations sa loob ng building, me naka-tag na numero. Pipindutin ko lang yung numero sa audio headset ko at makakarinig nako ng isang virtual guide. Ang galing ni virtual guide kasi pagsinabi niya tumingin ako sa kaliwa, andun yung pinapaliwanag niya. Amazing.

Natapos ko na ang Museum at binalak ng umuwi. Habang naglalakad pa-VT, napansin ko yung isang sign na tinuturo ang “Nariman Point”. Kung tinuturo niya e di siguro malapit lang di ba. So nilakad ko…

…at 30 minutes later, nasa Nariman Point na ako. Ito ang edge ng Marine Drive na me magandang view ng siyudad. Maganda rito sa gabi dahil sa mga street lights na sumusunod sa curve ng road. Kaya nila ito natawag na “Queen’s Necklace”.

Andito ko rin nakita si mama at ang best prend niya na ginawang unan. Natutulog silang mahimbing. Saka me isa pa siyang unan kung kakailanganin.

Hindi ko na hinintay na gumabi at bumalik nako sa VT. Tamang-tama ang pasok ko sa stasyon dahil paalis na yung tren. Naghanap nako ng pinakamalapit na carriage na wala pang laman. Pag-upo ko at last call na. Biglang dumagsa ang mga local. Nasa sardine class pala ako.

Alas sais nako nakabalik sa Vashi Station. Konti lang kaming bumaba, ang karamihan sa malalayong lugar ng Navi Mumbai ang bagsak. Di nako nag-aksaya ng panahon at kumuha na agad ng isang tuktuk papuntang hotel. Kelangan ko pa kasi maglaba.



pictures in http://ianclarito.multiply.com/photos


P.S. Meron daw pedometer na tinitinda. Sana me magregalo sa akin nun o bibili na lang ako. Hehehe.

Tuesday, December 11, 2007

mumbai daytrip (pt 1)

Ang Mumbai ay tinatawag din na Bombay. Yung mga British kasi, nahihirapan magsabi ng 'Mumbai' kaya pumili na lang sila sa malaking libro ng city names.

Isang linggo nako sa Mumbai ng maisipan kong maglibot. Eto ang storya ng aking maiksing adventure.

Galing sa hotel, pumunta nako sa railway station ng Vashi. Base sa aking research, eto ay ISO9002-certified. Sabi nga nila, pag-panget ka, panget ka. Or something like that.

Sumakay ako sa isang state-of-the-art train, circa 1960s. Siguro naman certified din siya na hindi hihinto sa gitna ng dagat. Me dalawang klase ng tiket – Century Tuna ™ flakes (first) at Ligo ™ sardines (second) class. Dahil maka-tuna ako, dun na ako sumakay sa halagang 216 rupees (~250 pesos) roundtrip.

Ang barangay Vashi ay nasa Navi Mumbai, twin city ng “old” Mumbai. Mga 50 train minutes ang layo sa gusto kong puntahan – ang Chhatrapati Shivaji Terminus na itago na lang natin sa pangalang Victoria Station o VT.

Maganda, maganda ang labas ng Victoria Station. Isa ito sa mga pinamana ng British na ginawa nung 1888. Sa kasamaang palad walang platform 9 ¾, pero me nakita naman akong gwardiyang kamukha ni Col. Sanders so okey lang.

Sa area nato, hindi uso ang mga tuktok o three-wheelers. Buti na lang, maraming taxi at bus sa paligid. Mga bus pala nila rito kadalasan kulay pula at me double-decker pa. Di ko na sinubukan sumakay ng bus kasi wala na kong pera. Who needs wheels when you got legs?

Sa totoo lang, malapit lang yung una kong pupuntahan kaya nilakad ko na lang. Me mga bookshops, food stalls sa paligid. At me taping pa sa isang watch shop. Bilang isang responsableng Pinoy, kailangan kong ipakita ang aking pagiging usisero. Masilaw ang mga klieg lights at puros matatanda naman ang nasa cast. Tumuloy nako sa paglalakad.

Pagkatapos ang kinse minutos na paglalakad, naabot ko rin ang unang destination – Flora Fountain. Tinawag itong Flora fountain dahil me statwa ng diyosang si Flora. Gaya ng VT, meron din siyang ibang pangalan - Hutatma Chowk o Martyr's Square.

Diniretso ko pa ang daan hanggang maabot ang Gateway of India. Para siyang Statue of Liberty ng New York, kung saan siya ang pinakaunang makikita ng mga barkong parating ng Mumbai. Me construction sa paligid ng monument kaya mahirap gumala sa lugar na yun. Dito rin sa lugar nato makakabili ng tiket para sa 30-minute boat ride patungong Elephanta island na me mga kwebang puno ng scupltures. Sa bandang kanan ng Gateway ang Taj Mahal Palace.

Me trivia dito sa Taj Mahal Palace, na kinwento ng kasamahan ko sa opis at na-validate rin ng wikipedia (na ayon kay Michael Scott ay “the best thing ever”). Pinagawa ito ng industrialist na si Jamsetji Tata dahil hindi raw siya pinapasok sa isang whites-only hotel. Nung binukas yung Taj, me isang araw din na hindi siya nagpapasok ng mga puti.

Nagpitstop muna ako sa Café Coffee Day para magpahinga at kumain. Nagmamadali kasi ako kaya hindi nako nakapag-almusal. Isang oras din ang naubos ko sa kakalinis ng sd card at pagpalit ng baterya. Sa mga gustong malaman, cheese croissant at chocolate frappe ang order ko (100 rupees o ~120 pesos).

.....
part 2 hopefully tomorrow

more pictures in http://ianclarito.multiply.com/photos