Wednesday, February 06, 2008

(a)live from karachi

dahil sa mga bali-balitang kaguluhan, full-alert mode na ako paglapag ng eroplano sa jinnah international airport ng karachi. kahit groggy pa sa biyahe, sinubukan kong basahin yung pangalan ng airliner katabi namin. di ko nabasa yung simula pero nakikita ko yung ibang letra : ...I..H..A....D? Teka.

isa lang ang alam kong salitang nagtatapos sa mga ganung letra, at di pa maganda. ngayon dalawa na ang alam ko; ang etihad airways ang national airlines ng UAE.

....

sa awa ng diyos, payapa pa ang aking stay sa pakistan. malamig ngayon dito pero nararamdaman mo yung panganib. sa hotel pa lang namin ang checkup sa papasok na sasakyan ay ang buksan ang engine saka yung trunk pati na rin yung mga front seats. meron din palang x-ray machine sa hotel entrance para sa mga tao.

....

medyo na-disappoint ako sa kwarto. mas maganda pa kasi yung tv namin sa bahay. akala ko pa naman plasma rito.

....

mabait yung mga nakasama kong taga-bangko. nanlibre nung unang araw - napilitan tuloy akong kumain ng apat na klase ng pizza + pasta. at least hindi ako sinusubuan.

....

mahal ang zinger meal - 4 dollars. pinagkakitaan pako ni colonel sanders. whattafriend.

....

hanggang dito na lang muna. ian signing-off.

2 comments:

Anonymous said...

hindi ka ba nagfreak out sa mga dumudura ng pula? yii.. kala ko may TB lahat ng tao, yun pala mahilig sila sa the betels.

san ka ba nakatira tol? marriot?

ianclarito said...

hehehe.

sheraton. sa lobby na lang ako tumatambay. rami nga lang nagtatanong every hour kung nakatira kami rito. tsk tsk.