Wednesday, June 08, 2005

last supper

Last supper

Kahapon nandito si Catherine, ang “puso” ng systemaccess. Ka-meeting niya ang mga bosing ng bank. Isang araw lang siya sa Colombo kaya bumalik din sa Singapore ng ala-una ng madaling araw (kasi madaling araw lang ang flight ng Singapore Airlines dito. hehe.)

Nagtreat siya sa amin ng buffet sa isang Indian restaurant sa loob ng Hilton Colombo. May mga tinapay (French bread, nan), may isda (spicy cuttlefish, eto lang ata), may beef at pork (with blue cheese? familiar ang amoy. hmm…smells like ___), siyempre may salad bar din para sa mga nag-didiyeta. At ang dami ng selection for dessert. Ice cream, leche flan (? – cream caramel yung nasa place card), curd (mukhang taho pero natakot akong tikman), fruits, cakes, at iba pang treats na di ko maexplain but can only enjoy (nagdadrama lang po). At may in-order pang wine. Bat kaya nasasarapan ang mga tao dito? Mapait e.

Feeling ko last supper na. Parang pinapataba na kami ngayon dahil panghuli na yon. Ganito siguro yung feeling ni Hansel and Gretel - between heaven and hell, between success and impending disaster. Ganyan talaga ang buhay. Sabi nga, to whom much is given much is expected (korni na kasi yung sinasabi ni uncle ben na with great power comes great responsibility). Tuloy-tuloy na to. And by God’s grace, all will be well in the end.

Sa lobby ng hotel may pastry shop. Ang gaganda ng mga cakes. Yung tipong nakakalaway na. Gusto ko sanang kumuha ng pictures kaso may gwardiya na bumubuntot sa akin. Ewan ko ba, mahal siguro masyado ang mga cakes. Di pa kasi ako marunong ng covert ops. Sige, sa susunod…

Chuckie vs Kotmale

Miss ko na siya. For the time being, may iba na ako. Meet Kotmale. Kung si Chuckie energetic, si Kotmale dedma lang. Kung naglalakad si Chuckie na parang tao, si Kotmale on all-fours lagi. Conservative ata si Kotmale e at di pa informative (salamat nga pala Chuckie sa tips mo on penholders at corded phone). Dahil mas matanda si Kotmale, mas mautak din siya. Hindi lang chocolate drink ang binebenta niya, pati gatas at apple juice (siguro may pamilya nang sinusuportahan). Wait ka lang, Chuckie. Magkikita rin tayong muli.

Smile

May caretaker dito, tawagin na lang natin siya na Manong. Siya ang nagliligpit ng mga cups, plates dito sa area namin. Di naman siya nagsasalita ng Ingles pero lagi siyang ngumingiti.At ang ngiti niya ay yung bigay na bigay. Kapag nahihirapan ka na sa trabaho, makita mo lang si Manong mapapangiti ka na rin. Ang pagngiti ay isa sa mga bagay na naiintindihan ng lahat. Kaya wag kalimutan, laging ngumiti. Happiness is infectious so share it with a smile.

---

Ayan, finally natapos na rin ang pag-setup nila ng static data. Simula bukas, cycle 1 na. Breathe in for luck.

2 comments:

Anonymous said...

Hey, Ian!!!

First off, congratulations to your new assignment, and BEST OF WISHES AND LUCK to you and your team! :-)

Great posts. :-)

ianclarito said...

hi gins :p thanks. hope you're having fun there as well.