Red letter day ang June 19 para sa amin. Ang pinaplanong trip papuntang Kandy ay matutuloy na. Alas-singko ng umaga ay gising na kami, naghahanda dahil ang van ay aalis ng alas-sais. Inaayos ng bangko ang transportation namin kaya wala kaming masyadong gastos para dun.
Umabot ng tatlong oras ang biyahe patungongKandy . Sa tatlong oras na yon, napakinggan namin ang mga kanta ni Bryan Adams ng paulit-ulit. Paborito siguro ni manong drayber. Parang ganyan talaga kung may biyahe patungong probinsya – may isang tape/cd na pinapatugtog ng drayber, madalas love songs. Yun ngang umuwi ako sa probinsya ng parents ko, ang pinatugtog ay ang buong catalog ng Michael Learns to Rock. Magkakaroon siguro ako ng matinding last song syndrome sa mga susunod na araw. =(
Ang unang stop namin ay sa elephant orphanage. Medyo maaga pa kami kaya pumunta muna sa isang malapit na spice garden. Akala ko talaga yung spice garden talagang garden – yung tipong isang malaking field na punung-puno ng spices (n. panahog; panlasa; panimpla; rikado). Yun pala, isang siyang maliit na lugar kung saan tinanim nila yung iba’t ibang klase. At umuulan pa nun. Medyo nakaka-disappoint.
Nilibot kami nung guide sa garden. Habang ine-explain niya yung mga iba’t ibang halaman, may kasamang special effects. Kapag nakaka-cure ng bronchitis siya’y uuubo. Kapag nakaka-cure ng parkinson’s, sabay nanginginig. At nagdemo pa siya sa ibang products nila. Ang galing nga nung isang gamot – pantanggal ng buhok. Pinahid niya yung cream sa kamay ni Gerard at maghintay daw ng limang minuto. Epektib nga – pagkatapos ng limang minuto natanggal yung buhok na pinahiran gamit ang tissue. May parte ng demo na minasahe yung likod namin gamit ang isa pang cream. Wala akong naramdaman sa cream pero masarap yung masahe kaya okey lang.
Siyempre sa pagtatapos ng tour dinala kami sa tindahan. Talagang pinaghahandaan nila. Pagpasok pa lang namin nagsindi sila ng insenso at nagpatugtog ng mga Indian chants.Para ganado siguro ang mga taong bumili. Nakita namin yung mga tinda nila gaya ng pampapayat (Guide: “You will lose four kilos”. Libay: “…but it says here four pounds.” Guide: “Ok, four pounds”), pantanggal ng buhok (“Apply for seven days, no hair for seven years”) at kamayogi paste (“Viagra has some chemicals. Not good…”).
Matapos ang spice garden, pumunta na kami sa elephant orphanage. Tamang-tama ang pasok namin kasi magsisimula na ang feeding time. Ang rami-rami nila – umaabot sa singkwenta na elepante. Pero yung pumunta sa feeding station (isang covered court), mga walo lang. May isa pang feeding time paghapon kaya ibang ‘cast’ naman ang magshow mamaya. Pinapainom sila ng gatas sa mga malalaking bote. Yung iba umiikot-ikot sa station kaya may tsansang mahawakan sila. Pero di pwedeng umakyat sa kanila para magpapicture. Tsk tsk.
Ang baho pala ng elepante.Amoy ihi. Kaya siguro ang sumunod sa schedule ay ang washing. Lahat ng mga elepante pumunta sa ilog para maligo. Inunahan namin sila para makakuha ng magandang pwesto. Yung iba gumulong-gulong sa tubig. Yung iba naman gumulong-gulong sa lupa (kaya wala ring epekto ang ligo. hehe.) May mag-siyota na lumayo sa pulutong at nagtago sa damuhan. Pero may bumubuntot sa kanila kaya wala rin...
---
pahabol ukol sa "party"
pakibasa yung entry ni Gerard para sa "party" namin. nasabi na niya lahat ng dapat/pwedeng sabihin :p
may konting dagdag lang ako:
1) nakakainis dahil nasira nung bosing nila (aka Kataas-taasan) ang antipara ko. pina-gitara kasi ako at kinuha ba naman yung glasses ko. pagkatapos tumugtog, sira na yung frame. ngayon kung gusto ko siyang ma-straight, dapat i-tilt ko ulo ko. huhuhu. sana mareimburse. (actually luma na rin yung glasses ko, nagkataon lang siguro. sana.)
2) masayihing tao talaga ang mga vardhanians. at mararamdaman mo yung bonding nila. kahit yung mga bosing kumakanta at sumasayaw. yung tipong iniikutan ang gumigitara, may alak sa kamay at kumakanta. di ko ma-describe talaga in detail pero masaya. parang galing sa mga old movies.
3) may sense of humor din sila. dahil marami ngang bosing sa party, nagrequest yung iba ng isang kanta tungkol sa pagtaas ng sweldo. ewan ko lang kung epektib. itry kaya natin sa manila yan. hmmm...
4) ibang klase rin sila rito. inom muna bago kain. at malakas silang uminom (tsimis: nung nasa pilipinas nga raw, nag-iinuman sila halos gabi-gabi ata). nakakahiya naman sa kanila kaya napainom na rin ako ng isang beer, diluted ng tatlong sprite. matamis pala ang beer pag nalagyan mo ng tatlong sprite. pero di ko pa rin type. water/juice person ako e.
5) yung pagkain nasa ground floor pero yung mga tables nasa second floor. parang nag-eehersisyo ka para lang makakain. buti na lang ganun ang setup kasi wala palang cardio kickboxing the next day for the mommies.
Quote of the Night:
"Momsie!" - lasing na Mufasa tinatawag si mommy ophie
"Mahirap kumita ng kwarenta" - SA onsite team
Umabot ng tatlong oras ang biyahe patungong
Ang unang stop namin ay sa elephant orphanage. Medyo maaga pa kami kaya pumunta muna sa isang malapit na spice garden. Akala ko talaga yung spice garden talagang garden – yung tipong isang malaking field na punung-puno ng spices (n. panahog; panlasa; panimpla; rikado). Yun pala, isang siyang maliit na lugar kung saan tinanim nila yung iba’t ibang klase. At umuulan pa nun. Medyo nakaka-disappoint.
Nilibot kami nung guide sa garden. Habang ine-explain niya yung mga iba’t ibang halaman, may kasamang special effects. Kapag nakaka-cure ng bronchitis siya’y uuubo. Kapag nakaka-cure ng parkinson’s, sabay nanginginig. At nagdemo pa siya sa ibang products nila. Ang galing nga nung isang gamot – pantanggal ng buhok. Pinahid niya yung cream sa kamay ni Gerard at maghintay daw ng limang minuto. Epektib nga – pagkatapos ng limang minuto natanggal yung buhok na pinahiran gamit ang tissue. May parte ng demo na minasahe yung likod namin gamit ang isa pang cream. Wala akong naramdaman sa cream pero masarap yung masahe kaya okey lang.
Siyempre sa pagtatapos ng tour dinala kami sa tindahan. Talagang pinaghahandaan nila. Pagpasok pa lang namin nagsindi sila ng insenso at nagpatugtog ng mga Indian chants.
Matapos ang spice garden, pumunta na kami sa elephant orphanage. Tamang-tama ang pasok namin kasi magsisimula na ang feeding time. Ang rami-rami nila – umaabot sa singkwenta na elepante. Pero yung pumunta sa feeding station (isang covered court), mga walo lang. May isa pang feeding time paghapon kaya ibang ‘cast’ naman ang magshow mamaya. Pinapainom sila ng gatas sa mga malalaking bote. Yung iba umiikot-ikot sa station kaya may tsansang mahawakan sila. Pero di pwedeng umakyat sa kanila para magpapicture. Tsk tsk.
Ang baho pala ng elepante.
---
pahabol ukol sa "party"
pakibasa yung entry ni Gerard para sa "party" namin. nasabi na niya lahat ng dapat/pwedeng sabihin :p
may konting dagdag lang ako:
1) nakakainis dahil nasira nung bosing nila (aka Kataas-taasan) ang antipara ko. pina-gitara kasi ako at kinuha ba naman yung glasses ko. pagkatapos tumugtog, sira na yung frame. ngayon kung gusto ko siyang ma-straight, dapat i-tilt ko ulo ko. huhuhu. sana mareimburse. (actually luma na rin yung glasses ko, nagkataon lang siguro. sana.)
2) masayihing tao talaga ang mga vardhanians. at mararamdaman mo yung bonding nila. kahit yung mga bosing kumakanta at sumasayaw. yung tipong iniikutan ang gumigitara, may alak sa kamay at kumakanta. di ko ma-describe talaga in detail pero masaya. parang galing sa mga old movies.
3) may sense of humor din sila. dahil marami ngang bosing sa party, nagrequest yung iba ng isang kanta tungkol sa pagtaas ng sweldo. ewan ko lang kung epektib. itry kaya natin sa manila yan. hmmm...
4) ibang klase rin sila rito. inom muna bago kain. at malakas silang uminom (tsimis: nung nasa pilipinas nga raw, nag-iinuman sila halos gabi-gabi ata). nakakahiya naman sa kanila kaya napainom na rin ako ng isang beer, diluted ng tatlong sprite. matamis pala ang beer pag nalagyan mo ng tatlong sprite. pero di ko pa rin type. water/juice person ako e.
5) yung pagkain nasa ground floor pero yung mga tables nasa second floor. parang nag-eehersisyo ka para lang makakain. buti na lang ganun ang setup kasi wala palang cardio kickboxing the next day for the mommies.
Quote of the Night:
"Momsie!" - lasing na Mufasa tinatawag si mommy ophie
"Mahirap kumita ng kwarenta" - SA onsite team
No comments:
Post a Comment