Di maganda ang pagkaka-dye sa red kong t-shirt kaya pagkuha ko sa mga labada pula lang ang nakikita ko. Yung polo shirt kong white and blue, ngayon pink and blue. Mga gray-colored kong socks gay-colored na. =(
Una ang pagkagulat, sumunod ang pagtanggap. Medyo matagal ko ring pinag-isipan kung bakit nagkaganun ang mga damit ko. Pero natawa na lang din – ito’y isang karanasan na sana’y hindi maulit.
Dahil sa mga pangyayari, napilitan akong bumili ng damit. Isa sa pinaka-ayaw kong gawin ay ang magshopping para sa damit. Di kasi ako mapili sa mga damit kaya madalas nagkakaproblema ako (ebidensiya na ang pulang t-shirt). Kapag computers siguro or electronics talagang pinag-iisipan ko (tingin sa mga reviews, magcanvas ng presyo, makipag-negotiate, atbp.). Sa mga damit, isa lang ang iniisip ko – basta kasya okey.
Sumama ako kina maam tess and miss cristine sa House of Fashion. At house of fashion nga talaga siya. Yung mga signs nila parang galing sa FTV: Lingerie, Winter Wear, at siyempre yung pang Homme.
Di homme-friendly ang store. Four stories siya na building at ang panglalaki ay nasa kalahati ng isang floor, katabi ang mga bagahe at women’s shoes and bags. Pero nakakaaliw dahil mura lang ang bilihin. Nakabili ako ng isang polo shirt, shorts at t-shirt sa halagang 400+ php. Makakabili ka ng long sleeves
Nais ko rin sanang bumili ng pantalon kaso wala akong makitang fitting room. Nagulat na lang ako ng nakita ko ang mga nasa tabi kong biglang naghubad (fyi, lalaki sila at naka-shorts) at sinuot ang mga tindang jeans. May mga babaeng sinusuot ang mga blouse (over their shirts, siyempre) habang nagpo-pose sa salamin. Naiisip ko na lang papaano ang mga underwear na tinda nila kasi pwede mong ipagpalit ang mga bilihin. Buti na lang may sign: Due to hygienic purposes, we do not accept used underwear.
---
Naisipan ko ring magluto nung isang araw (pagluluto na rin ang pagpiprito di ba?). Ang sarap pa naman ng nakapicture sa box ng binili kong frozen chicken kieves. Nadisappoint ako dahil di lasang chicken ang chicken, pati na rin ang cheese filling na parang di keso. Inisip ko baka dahil masyadong passionate ang pagsunod ko sa instructions na fry until golden brown (naging deep brown siya) kaya pangit ang resulta. Yung sobrang pagprito ko pala ang magliligtas sa akin sa bingit ng malalang stomach ache. Kinabukasan nalaman kong expired na pala siya ng isang linggo. May mabaho kasi kaming naamoy sa kusina. Hinahanap ni Gerard at nalaman niyang ito ay dahil sa mga “fresh” (fresh as of two weeks ago) farm eggs na di namin naluto. Naisipan na rin niyang tignan ang binili niyang naka-freezer at nakita niya ang mga nag-expire na mga goods. Tinignan ko na rin ang chicken kieves ko at ganun din siya. Buti na lang medyo malakas ang bituka ko. Laking yakult kasi.
Lessons for the week:
1) Huwag ipaghalo ang mga puti sa de-kolor (at i-segregate kahit ang mga de-kolor) para di mag-shopping ng bagong damit.
2) Tignan mabuti ang expiry date ng mga bibilhin at kainin ang mga ito bago ang takdang petsa
3) Magdasal lagi dahil hindi mo alam kung kailan ka mamalasin at mangyayari si #1 at #2.
---
2 comments:
Sayang naman yung mga damit :(
On the upside, at least mura lang mga damit dyan! :)
hehe. onga. talagang sa susunod, all dark-colored na dadalhin clothes para sigurado :p
Post a Comment