Di pa nalalayo sa stasyon e me malawak na cricket field. Ang daming mini-matches na nilalaro. Sa labas ng pitch, naghihintay ang isang ‘fan’. Mainit kasi kaya nasa lilim siya ng puno nanonood.
Lagpas ng cricket pitch napadpad ako sa isang kalyeng maraming tinda ng mga sari-saring damit at gamit pambahay. Eto na pala ang Fashion Street. Sinasabi nila na me mga Bollywood stars ding dumadayo rito. Sa mga mahilig mag-bargain, eto ang lugar para sa inyo.
Ilang tawid pa ng highway at nakarating din ako sa clock tower. Eto ang Rajabai Tower, na nasa loob ng University of Mumbai. Me spiraling staircase siya pero pinagbawal na nila ang mga turista kasi dati me malakas magtrip at tumalon. Tumugtog ang chimes ng clock tower. Pamilyar siya dahil naturo na sa akin nung nag piano lessons ako dati pero di ko maalala yung pangalan ng tune.
Natatakot kasi akong mawala kaya lagi akong bumabalik sa aking starting point na VT. Matapos ang escapade ko sa Rajabai, nag-retrace ulit ako - daan sa cricket pitch, lumagpas sa baka, tumabi sa Fashion Street. Nauuhaw nako at ano pa ba ang makakawala ng uhaw kundi isang tall glass ng fresh sugar cane juice. Mga anim na piso lang siya at matamis siya na me konting kagat ng lemon. Dumiretso pako ng konti at me nagtitinda naman ng fresh pineapple juice. Nagdadalawang isip pa ko kung bibili matapos ang sugar cane juice, pero sayang ang phytochemicals. Bottoms up.
Sunod kong stop ang Prince of Wales Museum na me mahabang Indian na pangalan na nakakatamad isulat. Itinayo ito dahil si Prince of Wales ay bumisita nung early 1900s. Para sa mga katulad ko, 300 rupees ang entrance at 100 rupees extra kung kukuha ng litrato (dapat walang flash). Para sa mga lokal at mukhang lokal, 10 rupees lang.
Me kasamang audio headset ang binayad kong tiket kaya naging educational ang visit ko. Sa piling mga artifacts o locations sa loob ng building, me naka-tag na numero. Pipindutin ko lang yung numero sa audio headset ko at makakarinig nako ng isang virtual guide. Ang galing ni virtual guide kasi pagsinabi niya tumingin ako sa kaliwa, andun yung pinapaliwanag niya. Amazing.
Natapos ko na ang Museum at binalak ng umuwi. Habang naglalakad pa-VT, napansin ko yung isang sign na tinuturo ang “Nariman Point”. Kung tinuturo niya e di siguro malapit lang di ba. So nilakad ko…
…at 30 minutes later, nasa Nariman Point na ako. Ito ang edge ng Marine Drive na me magandang view ng siyudad. Maganda rito sa gabi dahil sa mga street lights na sumusunod sa curve ng road. Kaya nila ito natawag na “Queen’s Necklace”.
Andito ko rin nakita si mama at ang best prend niya na ginawang unan. Natutulog silang mahimbing. Saka me isa pa siyang unan kung kakailanganin.
Hindi ko na hinintay na gumabi at bumalik nako sa VT. Tamang-tama ang pasok ko sa stasyon dahil paalis na yung tren. Naghanap nako ng pinakamalapit na carriage na wala pang laman. Pag-upo ko at last call na. Biglang dumagsa ang mga local. Nasa sardine class pala ako.
Alas sais nako nakabalik sa Vashi Station. Konti lang kaming bumaba, ang karamihan sa malalayong lugar ng Navi Mumbai ang bagsak. Di nako nag-aksaya ng panahon at kumuha na agad ng isang tuktuk papuntang hotel. Kelangan ko pa kasi maglaba.
pictures in http://ianclarito.multiply.com/photos
P.S. Meron daw pedometer na tinitinda. Sana me magregalo sa akin nun o bibili na lang ako. Hehehe.
6 comments:
aba. may tide dyan? tide is mirakol
di magaspang sa kamay yung tide nila. susubok na rin ako ng local brand next time.
may pedometer ako. omron. binili ko sa abenson.
kapag bumili ka ng anlene dito may libreng pedometer.
talaga? hmmm... so healthy bones saka me pedometer pa. bibili na rin nga ko. hehe.
hahaha.. see this --> wats0n.blogspot.com/2007/11/pedometer-mania.html
yun sa amin ni olive, may cover, so walang risk na accidentally mapindot ang reset button. http://www.mackaylibraries.com.au/__data/page/3044/Omron_Pedometer_HJ-005.jpg
just saw na pambabae yung anlene. =D
check ko rin nga rito if meron silang ganun. paghahanda para sa susunod na linggong walkathon :D
Post a Comment