Saturday, June 04, 2005

ian = ien

Mali ang pagkakarinig nung nagsetup ng PC ko kaya ang computer name ko is “Ien”. Iniwan ko na lang kasi nakakatamad ichange, at para maiba na rin. Ano ba ang isang “Ian” kumpara sa “Chamathj”, “Mahesh” at “Nadun”. Di ba, mas exotic ang dating ng ien?

Talagang passionate ang mga vardhanians. Di kasi natapos ang static data setup nila kaya nandito pa rin kami in kaso magkaproblema sila. =)

Nasiyahan ako nung nag-order kami ng Chinese delivery for lunch. Unfortunately, yung chinese is “chinese” na naman, gaya nung kfc “chinese” meal. Masarap ang pagkain, kaso medyo spicy na naman for my taste. Uminom kaagad ako ng milo para ma-offset ang anghang (wala kasing juice or anything sweet dito. hehe).

One week pa nga lang kami, nami-miss ko na ang pinas. Mabait naman ang tao, bearable naman ang food pero iba talaga ang sa atin. Nakakainis kasi di naman ako marunong magluto ng hindi piniprito, saka mahirap maghanap ng food na sinabawan. Buti na lang may maggi at sopas ako. Kaya sa mga nasa lupang sinilangan, ikain/iinom niyo na lang kami ng original recipe, jolli hotdog, mcflurry, pancit malabon, taho, chuckie, kariman, siopao,…

Konti lang yung channels sa hotel at marami ang paulit-ulit pa. Habang nagchannel-surf ako, nakaabot ako sa Arirang. Ang galing palang mag-English ng mga koreano. Akala ko dubbed (ala Iron Chef), yun pala real-time. Dito naman, yung mga Sri Lankans may slight British accent. Speaking of accents, yung ka-flat namin na si Daniel nag-Singlish din. Eat lah!

Nasa 17th floor kami ng hotel, kaya may view overlooking the ocean. Bago ang dagat, may isang man-made lake. On the other side, may open field kung saan naglalaro ang mga locals ng cricket. One of these days, lalakarin namin yun para imbestigahan.

May isang bosing dito sa bank na ang boses pareho kay Mufasa, yung tatay ni Simba. Na-iimagine ko siya kinakausap ang anak niya:
Mufasa: Look, Simba, everything the light touches is our kingdom.
Simba:Wow!

Nga pala, right-hand drive dito kaya nakaka-disorient initially. May mga taxi na dumadaan na akala ko may pasahero – yun pala drayber na yon :D.

Di naman kasi masyadong hectic ngayon kaya may time akong maghanap ng drivers para sa cellphone ko. By next week, makakaupload na ako ng konting photos para naman may visual aids itong mga kwento ko. Saka yung galing din sa camera nina Gerard and sa mommies namin.

5 comments:

Alec Macatangay said...

pst! nakita nyo na yung ngipin ni buddha?

ianclarito said...

di e. pumasok kami nung sunday din :(. nagloko yung database. tas wala pang net nung linggo - pure hell. buti na lang yung radio station nila english. he he he.

ianclarito said...

hehe. yup. mali-mali yung tingin namin kahapon e. rami na namin nun (with libay, sir meng, miss cristine, gerard). baka eto na yung sagot sa "Why did the chicken cross the road?" kasi di niya alam na RHD. :p

Anonymous said...

Mufasa: Look, Simba, everything the light touches is our kingdom.
Simba:Wow!

tawa ako ng tawa dito.

RHD. muntik muntikan ako masagasaan sa SG dahil dito. nakakalito talaga.

Anonymous said...

late na tong comment ko sa post na to pero cge na rin... nung nasa sing din kami, buti nlng gabi nun at walang ssakyan.. nagulat ako dahil ako lang tumawid, sila mam peach at kyle ayaw pa.. un pala... RHD!! nagulat din sila na tumawid ako.. hehe.. whew!