Tuesday, June 14, 2005

iba't ibang kwento

Traveling kalan

Dalawang linggo na kami dito sa Sri Lanka. Sa panahon namin dito, naobserbahan na patuloy ang pagiging malinis at maayos ang siyudad. Di gaya ng ingay at dumi ng Maynila kung saan sigaw ng mga naiiritang pasahero ng dyip ang gigising sayo o usok ng tambutso ng mga bus ang malalanghap mo.

May sekreto pala ang mga sasakyan ng mga taga-rito. Nakausap ni Mommy Tess (aka Mommy2) si Prasanna, isang local na taga-SA. Mahal din kasi ang gasolina, umaabot ng php35 kada litro. May “converter” sila para ang sasakyan ay pwedeng gumamit ng gasolina/diesel o lpg. Talagang pampamilya ang lpg, di lang sa pagluto pati na rin sa pagbibiyahe. Yun nga lang, parang nakakatakot isipin na ang sinasakyan mo ay isang traveling kalan. Sabi naman ni Prasanna wala pa raw aksidente ang mga sasakyang gumagamit ng lpg. Di mo nga lang din alam kung paano malalaman ang kaibhan ng mga sasakyan ngayon. Nakakahiya namang tanungin sa drayber ng trishaw na “gas or lpg?”. Baka nakasakay na pala kami sa ganun. =)

Friday is for fasting

Mga 8pm na ng Friday at nasa opis pa rin kami. Handa kami sa isa na namang mahabang gabi nang biglang sinabi ng bosing ng bank na mag-packup na raw. Siyempre, unang reaksyon namin ay ang pagkamangha (o, bat ang aga niyong uuwi ngayon? – sa mga hindi pa rin nakakaalam, passionate talaga ang mga vardhanians. hehehe.). Matapos ang initial shock, napangiti rin kami. Lahat ng problema ay biglang naglaho. Parang sumikat ulit ang araw. Pwede na ulit kaming kumain sa KFC or diyan sa tabi-tabi na restaurant. :p

May nagpoprotesta raw malapit sa aming hotel, kaya inagahan ang pag-uwi. Tama nga naman – ayokong matulog sa opisina. Dahil ayaw naming lumabas, kumain na lang kami sa loob ng hotel. Parang nagchildren’s party kami – ang mga mommies nag-order ng Singaporean noodles (classy). Kaming mga anak nag-order ng hamburger at spaghetti (kiddy). Kulang na lang ang laruan.

Nung Sabado, nalaman ko ang dahilan ng pagprotesta.

http://www.colombopage.com/archive/June10200707UN.html
http://news.yahoo.com/news?tmpl=story&u=/050610/481/col11106101518

Yung presidente kasi nila, hindi nagkonsulta ng nagplano siyang tumulong sa mga rebelde na naapektuhan ng tsunami. May isang lider nga na mag-“fast until death”. Buti naman hindi rin natuloy dahil makikipag-usap daw ulit ang presidente sa mga iba’t ibang grupo bago siya magdesisyon tungkol sa tsunami aid.

Pagkain

Pumasok kami ng Sabado, pero masaya naman kasi nagluto ang mga mommies. Lunch naming ay monggo at fried chicken. Wow! Hindi ko ini-expect na ganun kasarap ang maliliit na butil ng monggo. Kapag tinapay lang ang kinakain mo buong linggo, siguro naman kahit ano masarap na. (psst…bumili si Gerard ulit ng kanin. mukhang pangtao na ito.)

Masarap palang magbirthday on-site, lalo na kapag nasa isang hotel ka. Nung linggo ang bertdey ni maam libay. (Side note: kaya pala Liberty ang pangalan niya dahil independence day siya isinilang. so now you know… :p). May libre kang keyk galing sa hotel. Nung gabi, kumain kami sa kanila. Handa ay spaghetti, chicken at ice cream. Pwede na, pero parang bitin e.

Masarap pala ang marami kang mommies na kasama. (nakakailang sabi na ba ako ng “masarap” dito?). May marunong magluto (from years of experience) ng pagkaing hindi piniprito. May magbabantay sayo habang patuloy kang nagkakamali (ah! ganun pala ang ginagawa ng fm_std_process). Naisip ko rin ang sarili kong ina. Kaya tinawagan ko mama ko. Miss ko na rin sila. :p

Remember

Medyo makalimutin ako, lalo na kapag mga petsa. Bertdey nung kapatid ko last June 9 (or june10 ba? hmm…). Natawagan pa ako ng papa ko para batiin si Dan. Alam na niya siguro na makakalimutan ko. Kada Christmas, binibigyan ako ng sangkatutak na scheduler/planner pero tinatamad akong maglog ng mga dates o schedules. Buti dito madali lang masunod ang schedule:

7-8 am: Pagulong-gulong sa kama, hinihintay ang alarm
8:00 am: Alarm. (bahala na. may snooze pa naman)
8:05am: Gising
8:05-8:30am: Toothbrush, bihis, ligo (in no particular order)
8:30-9am: Manood ng TV, tumingin sa mga ibon sa labas, kumain ng biskwit. Alis.

---

bukas maraming pictures si Gerard for upload. Nire-resize pa kasi ang mga photos. Weird talaga ang net dito, lumagpas ng 100kb na file di na gumagana ang upload/attachment.

6 comments:

Alec Macatangay said...

8:30-9am: Manood ng TV, tumingin sa mga ibon sa labas, kumain ng biskwit. Alis. -> anong klaseng mga ibon yung nakikita mo sa labas? hehe.. ano ba mga palabas sa TV dyan? parang lagi ka na lang nanonood ng TV a.

ianclarito said...

walang magawa e. nasasanay na akong manood ng arirang at mag-enjoy sa indian mtvs. :p

Sarah Potpot said...

nakakatuwa na me one common hobby tayo...

"pagulong gulong sa kama"

Anonymous said...

8:05-8:30am: Toothbrush, bihis, ligo (in no particular order)

:))

hmm... ano kaya ang order ni2 pag weekday? eh pag weekends?

*joke...

Anonymous said...

tska po nawala na ung SIRs vs. elephant sightings countdown mo... :P

ianclarito said...

marami nang SIRs, mga 50 na. buti na lang mostly processing di na environmental issues. hehe.

di pa rin kami nakakalabas, so wala pa ring elepante. tsk tsk. pero malapit na...sana.