Tuesday, June 07, 2005

labada, pagkain at wanted

Labada

Matagal-tagal na rin akong hindi naglalaba. Noong nasa dorm pa ako, may laundry service. Ngayong nagtatrabaho na, nagpapa-laundry pa rin ako. Nakakatamad kasing maglaba. Sensitive pa naman ang skin ko (hehehe). Anyway, mahal magpalaba dito. Per piece sila at umaabot ng R90 para sa isang long sleeves, ang pantalon mga fifty pesos ata. Kesa ipanglaba mo yun, ikain mo na lang. Kaya naglaba ako.

High-tech na pala ang mga washing machine ngayon. Naaalala ko noong unang panahon (flashback in black and white), kinakamay pa ang paglaba. Kahit sa bahay namin, di uso ang de-makina. Pagkatapos labhan, ipapatuyo mo para mainitan. Dapat ding bantayan kasi baka umulan – sayang naman ang paglalaba mo, mababasa rin pala.

Yung nasa hotel namin, combo washer and drier. May manual naman siyang kasama, pero malabo pa rin. Yun ngang kasama naming, nagpa-akyat ng housekeeping person para mag-demo. Kaya, nagpaturo na lang kami. Kinamay ko na yung mga puting shirts. Yung iba washing machine na. Eto ang steps: 1) Ilagay ang damit sa loob ng washing machine. 2) Isarado ang washing machine. 3) Buksan ang gripo. 4) Buksan ang detergent cache at ilagay ang sabon at fabric softener sa kani-kanilang container. 5) I-set ang temperature para sa dryer 6) I-set ang timer para sa washer 6) I-pull ang knob para magsimula. Lather, rinse, repeat. Ad infinitum.

Nakakaaliw ang mga sumunod na pangyayari. Sa “bilog” ng washing machine makikita mong naghalo sa mga damit ang sabon na kanina lang ay nasa lalagyan pa. Sunod ang pag-agas ng tubig. At nagsimulang umikot ang labada. Minsan clockwise, minsan counter-clockwise. Pwede ko sanang paanuurin buong araw, kaso nakaka-antok na makalipas ang limang minuto. Kaya nanood na lang ako ng TV.

Pagkain

Ako ang pina-order ng lunch namin kahapon. Nakakahawa minsan ang mga accent ng tao dito. Nung sinasabi ko na ang order, napapa-“pohk” na ako. Nag-chicken na naman ako - ayoko kasi ng pohk (di talaga ako masyadong nag-popohk) or yung fish (anung isda kaya yun?). Sa wakas, tama ang pagkakaluto nila – di na maanghang. Naconfirm na rin ang duda ko – default na maanghang ang mga pagkain dito. Kailangan mong sabihin kung ayaw mo.

Mukhang may original recipe sa KFC. Napansin ko lang last Sunday – may maliit na poster dun sa loob. Saka malaki ang order ng pie nila (cherry and apple). Di ko maintindihan bakit ayaw ng magtinda ng malaking pie sa jollibee at sa mcdo. Bitin yung mini-pie nila e. At hindi dine-in or take-out dito sa KFC. Tatanungin ka kung “eating in or taking away”. Di nag-register noong una kong pagkarinig. Kaya nagsmile na lang and sinabing “come again?”. hehe

Wanted

Father looking for a suitable mate for his 22 year old, 5’1” pretty youngest daughter. Should be of the same caste…Marriage after a brief acquaintance…

English-educated engineer looking for wife. Monthly income is 30,000 rupees…

Nabasa ko to sa isang diyaryo. Sabay nakakaaliw at nakakagulat. Nagiging isang transaksyon ang pag-aasawa. Mahirap maglitanya ng hindi mo alam ang sitwasyon pero parang mali talaga.

---

May mga pictures na pala akong na-upload. Nasa link ko under Pictures.

5 comments:

ianclarito said...

hehe. nga e. sayang walang pictures yung ads nila. ha ha ha. :p

Alec Macatangay said...

"Pwede ko sanang paanuurin buong araw, kaso nakaka-antok na makalipas ang limang minuto. Kaya nanood na lang ako ng TV." natawa ako dito. pramis.

still no elephants?

ianclarito said...

hehe. wala pa :( mga 2hours drive raw galing sa city. hopefully one of these days...

botchok said...

Nung sinasabi ko na ang order, napapa-“pohk” na ako. Nag-chicken na naman ako - ayoko kasi ng pohk (di talaga ako masyadong nag-popohk) or yung fish (anung isda kaya yun?).

haha.. lalo na kapag lagi mo kakausapin yun singaporean na kasama nyo.. paguwi mo, lagot!.. alphabet mo wala ng "R", nde "eh" kundi "lah", pati "can! can!" ka na din.. =P

Anonymous said...

Ayos sa dvertisement... wala ka ba naisipan applayan? hehehe