Tinapay
They say man cannot live by bread alone, pero panu kung ang bantot ng kanin? Bumili si Gerard ng rice, Samba ang pangalan. Normal na bigas sa unang tingin. Puti naman ang kanin pagkasaing. Ngunit sa unang pagbukas pa lang ng cover makakalanghap ka ng di kanais-nais na amoy. Di ata namin nabasa yung maliit na sulat sa pakete: “Not fit for human consumption.” (joke lang yon – walang ganung nakasulat. baka i-castrate ako ng mga locals pag mabasa nila to =(. Di lang talaga siya para sa ating panglasa – to each his own ika nga.). Nagtinapay na lang kami. Dahil walang kwenta ang kanin, di na kumpleto yung grand breakfast namin – hotdog and eggs. With ketchup. Tsk tsk.
Yes entrance
May malapit na grocery sa opisina, Arpico. Naaliw ako sa sign para palabas ng store, kasi “No Entrance”. Naisip ko lang baka “Yes Entrance” ang papasok. Siyempre disappointed ako nung “Entrance” lang ang nakalagay dun. Dapat consistent sila. Di siguro dumaan sa standards training. Hehe.
Dito sa Colombo, mahal ang keso (baka dahil sagrado ang baka rito?). Yung maliit na cheesewhiz size natin na tig-30 to 50 php, umaabot ng halos 200 rupees so isang daan sa atin. Nakakasawa naman kasi kung laging jam ang ilalagay sa tinapay. Parang ayoko pang bumili nang ganun. Balikan niyo na lang ako in 2 weeks, baka bumigay na rin ako. :p
Piso
Mura lang ang magtext dito. Pinaghatian namin ni Gerard ang gastos para sa isang simcard. Around 300 pesos yung sim pero ang pagtext halos piso lang din (R2.35 to be exact). International or local text messaging parehas. Nakatry na rin akong tumawag sa Pilipinas, 3 minutes call ko nakagastos lang ako ng 30 pesos. Unbelievable? Bilib it.
Mas mabuti ata ang tumawag kesa matawagan. Nakakailang “prank” calls na ako. Pina-roaming ko kasi yung sim ko. Ang mga tawag galing sa atin nag-register sa phone as telephone number “1102”. Pag may tumawag sa akin na 1102, sinasagot ko siyempre. Kaso wala akong naririnig sa other end, kahit static man lang.
Habit
May weird na habit ang mga taga-rito. Ang pinoy mahilig mag-nod. At tumawa. Madalas sabay. Yung taga-rito, kapag sinasagot ka nila, nagti-tilt yung head. To the left or to the right, sila lang ang nakakaalam. Ano kaya ang mas madalas? Needs more info.
Quotable quotes
“It’s so slow, so tagal.” - thailander wikrom describing the speed of the network here
7 comments:
si wikrom talaga o! kung ano ano natututunan =D
hehe. may isa pa nga siya e: "Over na ha", nung niloloko siya ng mga mommies. :D
hahaha, talagang kumpare mo na si wikrom.oki na ba ung mga reports ng CL?hehehe..hindi na ba nag popup ung mga report forms pag eod?
wala bang rice dyan na nasa plastic bag? ung imported?kc baka kaya may amoy kc ung mga pawin ng mga taga dyan ung nakakapit sa mga grains
ok na yun. hehehe. tumutuloy na ang reports - wala ngang error during EOD :D
sealed plastic pack yung binili ni gerard. tignan na lang namin yung ibang bigas dun. or pasabay na lang kami sa pagsaing nina maam suzie. haha.
hahaha.. ian, ok yan si wikrom.. kung ano ano tinituro namin dyan dati eh.. hehe.. tapos kapag matagal mo na sya nakakasama/nakakausap, mahahawa ka sa pagsasalita nya.. lalo na yun tono!.. haha.. =P
musta mo na lang ako sa kanya.. thanks.. =)
nakakaaliw nga e. lalo na pagmarinig mo siyang sabihin yung "tagalog". natatawa ako.
eh lam moh ba kung san nagmula ang tinapay.???
Post a Comment