Thursday, June 02, 2005

una

Wow, first post ko. Marami kasing firsts ngayon sa buhay ko kaya lulubusin ko na lang din. Nasa Colombo, Sri Lanka ako ngayon. Para sa trabaho, pero parang nagbabakasyon na rin (at least ngayong first few days).

Anim kaming umalis from Manila. Tatlong mommies (Tess, Suzie, Ophie), isang ate (Libay) at dalawang anak (ako, Gerard). Parang family outing. Hehe.

Mga requirements upang maging immigration inspector sa NAIA:
1) Ability to look pissed off
2) Ability to be easily pissed off
3) Ability to look defeated if you have complete papers

Yun lang siguro ang nakakainis na episode sa NAIA. Parang ayaw kang paalisin ng inspector. Ang raming tanong. Ayaw ngang maniwala na nagtatrabaho ako e. Pakitaan mo naman ng ID, maghahanap pa ng ibang isyu. Laki ng pasalamat ko na naayos ko lahat ng papeles bago umalis. Para lang sa mga travel processing, napadaan pa ako sa DOST sa Bicutan (once) at sa Bureau of Immigration sa Manila (twice). Hirap talaga basta iskolar, naka-blacklist sa kung saan-saan. Magpapayaman na lang muna ako para di na magkakaproblema yung magiging anak ko (parang mali ang labas ng words sa Tagalog: for the record, wala pa po akong anak). Salamat sa mga taga-DOST at BID. Kahit nakailang balik ako sa mga opisina nila, mabait at mabilis naman ang serbisyo (kukulitin mo nga lang).

Wala kasing diretsong flight galing Manila papuntang Colombo kaya dumaan pa kami ng Singapore. Umalis kami (Singapore Airlines) from Manila mga 6pm. Nakakaaliw yung flight. Aside sa food (3 hours kasi yung flight), may “entertainment centre” pa sila per seat. Pwedeng manood ng movies, makinig sa music o maglaro ng games (may Nintendo Gameboy 'emulator' sila – pokemon, Mario, Zelda, etc). Siyempre sinubukan ko lahat, sayang naman e.

Dumating kami sa Singapore around 930pm. Halos isang oras din ang hintay namin sa Changi kay umikot-ikot kami ng konti. Nakaka-tempt ngang bumili ng kung anu-ano dun sa airport pa lang. Kaso, pagtingin mo sa price, medyo may kamahalan. Dadaan ulit kami pabalik thru Singapore kaya sana maka-ikot talaga kami sa susunod. Hanggang airport pa lang ako, pero kita mo talaga na maayos at malinis na lugar ang Singapore. May sale nga raw e for two months. If all goes well, makakabalik kami on time at makakapunta sa sale. On the other hand, if everything gets screwed up, makakabalik kami ahead of schedule at makakapunta sa sale. Aba, win-win situation! (sidenote: na-fix na rin ang mga problema ng system dati kaya wala na sigurong major problems)

Singapore Airlines pa rin kami papuntang Sri Lanka. Nakakaaliw nga kasi yung nasa likod namin mga pinoy. Parang nag-enjoy lang ako makakakita ng ibang Pilipino. Wala lang.

Buti na nga lang din same airline kami. Di ko kasi natapos yung movie ko (Hitch) from last flight. Kainis yung attendant, mga 20mins na lang at kinuha na yung headphones. Ayun, natapos ko rin sa wakas. Ok naman ang movie, by the way.

Mga 3 hours din ang flight from Singapore to Colombo. Dahil sa timezone difference, laging nauuna ng dalawang oras ang Manila/Sing. Dumating kami 1230-1am (Sri Lankan time). Buti na lang din na-ayos na ang taxi naming beforehand through the hotel kaya din a ganun ka-hassle.

Malaki siguro ang city ng Colombo. Colombo-2 ang tawag sa area kung saan kami ngayon - parang hinati-hati into sectors. Yung daan galing airport papunta sa hotel ay parang daan sa probinsya papuntang siyudad. May mga nakabitay na flags (yung pang-piyesta). May mga bahay nasa tabi ng daan at nakabakod. Para ngang may nakita kaming sari-sari store din. Feels like home. Sana may panahon para maka-ikot.

Hanggang dito na lang muna. Medyo mabagal din kasi ang internet kaya dapat sulitin ang konting oras na pwede ako. Tas may pictures din kaming nakuha na, pero sa susunod na…

Running total: 0 SIRs, 0 elephant sightings

5 comments:

blue_palito said...

aabutan nyo po un.. Grand Singapore Sale usually ends on August.

happy shopping!

ianclarito said...

hehe. tenks. mukhang masaya (pa) naman :p

Alec Macatangay said...

astig. meron na rin si papa ian. hehe.. pasalubong kong chocolates. tsaka ano ba yung elephant sightings na yan?

ianclarito said...

marami raw elepante dito. land of the elephants...

tas dito rin nakalibing yung ngipin (isa lang ata) ni buddha. hmmm...

marami ring black na bird dito (crow?) dito, parang omen. haha.

Alec Macatangay said...

astig. dito daw sa pilipinas nakalibing si rizal. hehe.. marami palang elephant dyan? marami ding bird dito, kaso brown.