Wednesday, February 06, 2008

(a)live from karachi

dahil sa mga bali-balitang kaguluhan, full-alert mode na ako paglapag ng eroplano sa jinnah international airport ng karachi. kahit groggy pa sa biyahe, sinubukan kong basahin yung pangalan ng airliner katabi namin. di ko nabasa yung simula pero nakikita ko yung ibang letra : ...I..H..A....D? Teka.

isa lang ang alam kong salitang nagtatapos sa mga ganung letra, at di pa maganda. ngayon dalawa na ang alam ko; ang etihad airways ang national airlines ng UAE.

....

sa awa ng diyos, payapa pa ang aking stay sa pakistan. malamig ngayon dito pero nararamdaman mo yung panganib. sa hotel pa lang namin ang checkup sa papasok na sasakyan ay ang buksan ang engine saka yung trunk pati na rin yung mga front seats. meron din palang x-ray machine sa hotel entrance para sa mga tao.

....

medyo na-disappoint ako sa kwarto. mas maganda pa kasi yung tv namin sa bahay. akala ko pa naman plasma rito.

....

mabait yung mga nakasama kong taga-bangko. nanlibre nung unang araw - napilitan tuloy akong kumain ng apat na klase ng pizza + pasta. at least hindi ako sinusubuan.

....

mahal ang zinger meal - 4 dollars. pinagkakitaan pako ni colonel sanders. whattafriend.

....

hanggang dito na lang muna. ian signing-off.

Wednesday, December 12, 2007

mumbai day trip (pt 2)

Medyo malayo na rin ako sa VT kaya naisip kong bumalik dun. Tumawag nako ng taxi sa tabi. Malulupit din mga taxi nila rito – ginagawa nilang stand ang street corner. Bente pesos lang ang flag down ng taxi. Isang kilometro ang consumable nito at bibilis na ang patak ng metro matapos yun. Sa dinaanan namin, me nakita akong clock tower sa bandang malayo. Pagdating sa corner ng stasyon, sinubukan kong i-retrace yung route.

Di pa nalalayo sa stasyon e me malawak na cricket field. Ang daming mini-matches na nilalaro. Sa labas ng pitch, naghihintay ang isang ‘fan’. Mainit kasi kaya nasa lilim siya ng puno nanonood.

Lagpas ng cricket pitch napadpad ako sa isang kalyeng maraming tinda ng mga sari-saring damit at gamit pambahay. Eto na pala ang Fashion Street. Sinasabi nila na me mga Bollywood stars ding dumadayo rito. Sa mga mahilig mag-bargain, eto ang lugar para sa inyo.

Ilang tawid pa ng highway at nakarating din ako sa clock tower. Eto ang Rajabai Tower, na nasa loob ng University of Mumbai. Me spiraling staircase siya pero pinagbawal na nila ang mga turista kasi dati me malakas magtrip at tumalon. Tumugtog ang chimes ng clock tower. Pamilyar siya dahil naturo na sa akin nung nag piano lessons ako dati pero di ko maalala yung pangalan ng tune.

Natatakot kasi akong mawala kaya lagi akong bumabalik sa aking starting point na VT. Matapos ang escapade ko sa Rajabai, nag-retrace ulit ako - daan sa cricket pitch, lumagpas sa baka, tumabi sa Fashion Street. Nauuhaw nako at ano pa ba ang makakawala ng uhaw kundi isang tall glass ng fresh sugar cane juice. Mga anim na piso lang siya at matamis siya na me konting kagat ng lemon. Dumiretso pako ng konti at me nagtitinda naman ng fresh pineapple juice. Nagdadalawang isip pa ko kung bibili matapos ang sugar cane juice, pero sayang ang phytochemicals. Bottoms up.

Sunod kong stop ang Prince of Wales Museum na me mahabang Indian na pangalan na nakakatamad isulat. Itinayo ito dahil si Prince of Wales ay bumisita nung early 1900s. Para sa mga katulad ko, 300 rupees ang entrance at 100 rupees extra kung kukuha ng litrato (dapat walang flash). Para sa mga lokal at mukhang lokal, 10 rupees lang.

Me kasamang audio headset ang binayad kong tiket kaya naging educational ang visit ko. Sa piling mga artifacts o locations sa loob ng building, me naka-tag na numero. Pipindutin ko lang yung numero sa audio headset ko at makakarinig nako ng isang virtual guide. Ang galing ni virtual guide kasi pagsinabi niya tumingin ako sa kaliwa, andun yung pinapaliwanag niya. Amazing.

Natapos ko na ang Museum at binalak ng umuwi. Habang naglalakad pa-VT, napansin ko yung isang sign na tinuturo ang “Nariman Point”. Kung tinuturo niya e di siguro malapit lang di ba. So nilakad ko…

…at 30 minutes later, nasa Nariman Point na ako. Ito ang edge ng Marine Drive na me magandang view ng siyudad. Maganda rito sa gabi dahil sa mga street lights na sumusunod sa curve ng road. Kaya nila ito natawag na “Queen’s Necklace”.

Andito ko rin nakita si mama at ang best prend niya na ginawang unan. Natutulog silang mahimbing. Saka me isa pa siyang unan kung kakailanganin.

Hindi ko na hinintay na gumabi at bumalik nako sa VT. Tamang-tama ang pasok ko sa stasyon dahil paalis na yung tren. Naghanap nako ng pinakamalapit na carriage na wala pang laman. Pag-upo ko at last call na. Biglang dumagsa ang mga local. Nasa sardine class pala ako.

Alas sais nako nakabalik sa Vashi Station. Konti lang kaming bumaba, ang karamihan sa malalayong lugar ng Navi Mumbai ang bagsak. Di nako nag-aksaya ng panahon at kumuha na agad ng isang tuktuk papuntang hotel. Kelangan ko pa kasi maglaba.



pictures in http://ianclarito.multiply.com/photos


P.S. Meron daw pedometer na tinitinda. Sana me magregalo sa akin nun o bibili na lang ako. Hehehe.

Tuesday, December 11, 2007

mumbai daytrip (pt 1)

Ang Mumbai ay tinatawag din na Bombay. Yung mga British kasi, nahihirapan magsabi ng 'Mumbai' kaya pumili na lang sila sa malaking libro ng city names.

Isang linggo nako sa Mumbai ng maisipan kong maglibot. Eto ang storya ng aking maiksing adventure.

Galing sa hotel, pumunta nako sa railway station ng Vashi. Base sa aking research, eto ay ISO9002-certified. Sabi nga nila, pag-panget ka, panget ka. Or something like that.

Sumakay ako sa isang state-of-the-art train, circa 1960s. Siguro naman certified din siya na hindi hihinto sa gitna ng dagat. Me dalawang klase ng tiket – Century Tuna ™ flakes (first) at Ligo ™ sardines (second) class. Dahil maka-tuna ako, dun na ako sumakay sa halagang 216 rupees (~250 pesos) roundtrip.

Ang barangay Vashi ay nasa Navi Mumbai, twin city ng “old” Mumbai. Mga 50 train minutes ang layo sa gusto kong puntahan – ang Chhatrapati Shivaji Terminus na itago na lang natin sa pangalang Victoria Station o VT.

Maganda, maganda ang labas ng Victoria Station. Isa ito sa mga pinamana ng British na ginawa nung 1888. Sa kasamaang palad walang platform 9 ¾, pero me nakita naman akong gwardiyang kamukha ni Col. Sanders so okey lang.

Sa area nato, hindi uso ang mga tuktok o three-wheelers. Buti na lang, maraming taxi at bus sa paligid. Mga bus pala nila rito kadalasan kulay pula at me double-decker pa. Di ko na sinubukan sumakay ng bus kasi wala na kong pera. Who needs wheels when you got legs?

Sa totoo lang, malapit lang yung una kong pupuntahan kaya nilakad ko na lang. Me mga bookshops, food stalls sa paligid. At me taping pa sa isang watch shop. Bilang isang responsableng Pinoy, kailangan kong ipakita ang aking pagiging usisero. Masilaw ang mga klieg lights at puros matatanda naman ang nasa cast. Tumuloy nako sa paglalakad.

Pagkatapos ang kinse minutos na paglalakad, naabot ko rin ang unang destination – Flora Fountain. Tinawag itong Flora fountain dahil me statwa ng diyosang si Flora. Gaya ng VT, meron din siyang ibang pangalan - Hutatma Chowk o Martyr's Square.

Diniretso ko pa ang daan hanggang maabot ang Gateway of India. Para siyang Statue of Liberty ng New York, kung saan siya ang pinakaunang makikita ng mga barkong parating ng Mumbai. Me construction sa paligid ng monument kaya mahirap gumala sa lugar na yun. Dito rin sa lugar nato makakabili ng tiket para sa 30-minute boat ride patungong Elephanta island na me mga kwebang puno ng scupltures. Sa bandang kanan ng Gateway ang Taj Mahal Palace.

Me trivia dito sa Taj Mahal Palace, na kinwento ng kasamahan ko sa opis at na-validate rin ng wikipedia (na ayon kay Michael Scott ay “the best thing ever”). Pinagawa ito ng industrialist na si Jamsetji Tata dahil hindi raw siya pinapasok sa isang whites-only hotel. Nung binukas yung Taj, me isang araw din na hindi siya nagpapasok ng mga puti.

Nagpitstop muna ako sa Café Coffee Day para magpahinga at kumain. Nagmamadali kasi ako kaya hindi nako nakapag-almusal. Isang oras din ang naubos ko sa kakalinis ng sd card at pagpalit ng baterya. Sa mga gustong malaman, cheese croissant at chocolate frappe ang order ko (100 rupees o ~120 pesos).

.....
part 2 hopefully tomorrow

more pictures in http://ianclarito.multiply.com/photos

Saturday, November 03, 2007

the brave one


This being my third time in the Delhi, I wanted to watch a movie. Actually, it was not the movie-watching but the rather the movie-house experience I was excited about. In the same city block as my office, there is a PVR cinema house which claims to an unforgettable theatre experience. In a city where words like "emporium" or "palace" can be anything but, it was surprisingly good.

After lunch, I went there and got my ticket (with reserved seating) for an 11:10 PM viewing. As the ticketing window was outside the theatre, I only got a brief glimpse of what was inside. Around 10PM, I made my way from the apartment to PVR in 15 minutes time - a good 45 minutes to kill before previews start.

Security is really strict. I passed through a full-body metal detector, then a guard holding a portable metal detector, and then another guard for a brief body inspection not unlike the ones they give in airports. Even the women were not spared - a little girl was given a slight nudge to go to the women's private area for the body inspection.

The lobby is bit small - in just a few steps you can be in the concession stands and the different theatres. I bought my popcorn and drinks and sat in a corner, looking at the place slowly come to life. First up was a family coming from the outside. Mom and dad, with lola and the little kids, everyone but the token pet dog came in. Then came "Jerry Seinfeld" with wife. He brought a camera and was stopped at the gate. That and some other stuff like laptops and outside food are not allowed inside the premises. I guess he is not master of this domain. I continued munching away when at some point I looked down at the box and saw there's nothing there. Then the attendants opened the doors for my screen.

Previews started with only 15 or so people in the audience - me being the only foreigner. One trailer which stood out is for Van Wilder 2 starring Kumar straight out of Newcastle. I had to glance left and right before laughing. Because you never know.

There were only 126 seats in the theatre I was in. But those seats were definitely the best I have been on, functionally. It was a bit dark when I entered the theatre and in my row there were already some people who looked too relaxed - their knees where touching the seats in front of them. To think the row spacing was big. Only upon taking my seat did I realize the trick - these seats are reclinable like a la-z-boy.

There was one more surprise I did not expect. We were more than halfway into the film, tension rising, and then the screen suddenly blanked with the lights blinding on. Of all times in the movie, they had to have an intermission at that point. Thankfully it lasted only 10 minutes.

The movie over, we all went towards the big EXIT sign at the side of the theatre which directly led to the outside. Walking home in biting cold at one thirty in the morning, with only a few stray dogs and the occasional nightpost lighting my way, I guess I'm a bit brave myself.

Ah yes. I almost forgot about the movie. Jodie Foster kicked ass. You definitely won't see me look at her funny.

Summary
Movie: 3.5 out of 5
Theatre: 4 out of 5
Damage: Rs150 tickets + Rs140 (food)

Saturday, March 24, 2007

i gave in

Music has been a big part of my life. It probably all started when my mom began playing classical tunes to me when I was still in her womb. I remember being in grade school, seeing the other kids go to the music room for piano lessons. I wanted to learn to play an instrument too.

When I was grade 4 or 5, I joined the music club and started playing the xylophone. That was the second word that I knew which starts with an x, the other being 'xerox'. I practiced every night, striking my little hammer to the beat of Lupang Hinirang and Joy to the World. You see, there was a Christmas presentation at school and the music club was working overtime for it. The only problem was, I was so forgetful. Memorizing the multiplication table was a piece cake compared to hitting those little aluminum bars in the correct order.

I told my teacher about my difficulties, but with so many other things to attend to, she didn't have the time to teach me my piece. The older xylophone players in the club tried to help but my mind just doesn't seem to want to remember the music sheet.

The dreaded day came. I was all smiles but terrified inside. When we were lining up and about to perform, my teacher looked back and said to me, "Do what you can." And so I did. Well, I did what Ashlee Simpson did in SNL. Unlike the other players, I pretended to play my xylophone. Our performance was a success. My performance was a dud.

In high school, I resolved to take music more seriously. We had a music class where we were taught the recorder, which was like a flute. In second year, I practiced playing the guitar. All the while, I was listening to a lot of different records.

I collected a lot of albums in cassette tapes, in a time when compact discs where too expensive. File-sharing clients like napster and audiogalaxy exposed me to the digital format known as mp3. Since then, I have continued getting my albums in CDs and converting them to it.

Now, you might be thinking what those first paragraphs above are all about. Well, I have long thought that having a music player was a luxury I don't want to invest in. I kept myself occupied, simply replaying songs inside my head. But I guess, after holding out for more than five years, enough is enough.

I got myself an iPod, a 4gb silver nano to be exact.



Before I thought of getting the 30gb or 80gb to hold my songs. But reflecting on it, I realized that I don't need something that big. The number of songs that I collect will grow exponentially in time. What I am really looking for is not convenience (knowing all my songs are with me) but comfort. I like to walk around, and holding a 40 gram music player in my pocket is much more appealing.

In the future, when a tera-byte music player can be had in something the size of a dice, I'll be one of the first in line. For now, 4gb worth of music in the size of a thick credit card is sufficient. I'll keep my latest songs in the nano, the rest in the computer, and the those that I truly hold dear and long memorized, stored in my heart.

Wednesday, January 31, 2007

ramblings from delhi

* ang lamig pala sa delhi. nasa 10 degrees celsius ang temperature kaya di na kailangan mag-aircon. nakaka-dry ng balat ang ginaw. buti at me heater kami sa apartment. simula march sobrang init naman.

* parang probinsya yung lugar namin. Naraina ay isang industrial area - medyo maalikabok, medyo magulo. pero para sa kanyang ilang libong residente, ito ay ang nakasanayan na nila.

* me nagtitinda ng refrigerated ice water sa sidewalks. para siyang dirty ice cream, pero imbes na ice cream e...ayun.

* kapag naglalakad sa sidewalk, maraming klaseng amoy ang iyong pwedeng malanghap. buti na lang matapang ang insenso sa mga tindahan. para ka lang naman nag-perfume ng tiger katol.

* siga talaga ang mga baka sa india. kung trip nila, pwede sila humiga sa gitna ng highway o lumakad ng soooooobrang bagal sa sidewalks at wala kang maririnig na busina o reklamo. in an unrelated story, masarap ang cup noodles na bulalo flavor. tikman niyo.

* sa mga bookstores nila, ang raming libro at ang mumura pa. oracle technical books na tig-ilang libo piso, mabibili ang indian (in-english, pero di kasing ganda ang papel na gamit) edition ng mga 500+ php. eragon (motion picture edition), mabibili sa halagang 300 php.

* meron kaming napuntahan na shopping district, ang connaugh place. mga 20+ minutes ang layo sa naraina. dito makakakita ng mga western-themed shops. mcdonald's, fridays', adidas, rbk, van heusen. ilan sa mga dinadayo ng mga tao - foreigner at lokal.

* pag nasa 5th floor ka ng mall, ano ang pinipindot mong button sa elevator kung gusto mo bumaba sa basement 1? siret? Press -1. 0 ang ground floor nila.

* mukhang kaka-introduce pa lang ng mga escalators dito kasi ang hilig nilang tumambay sa harap ng escalator kaya mahirap makaakyat. saka me ibang tao na takot na takot dun - me nakasabay ako ng kumapit ng mahigpit sa asawa sa first step pa lang. meron naman iba parang tumatapak sa hot spring - isang paa muna.

pictures: http://ianclarito.multiply.com/photos

Sunday, January 21, 2007

celebrity sightings

i was doing my weekly grocery shopping at rustans. while browsing, i almost bumped into one of the maintenance people who was standing idly in a corner aisle. i was about to apologize when i saw him and three others smiling dumbly at someone. i looked at their line of sight. there was a pretty lady wearing jeans and no makeup with a shopping cart, standing just a few feet away. one of the other maintenance personnel went up to her for an autograph, which she gamely signed. i thought maybe she was some starlet and just went my way.

going to some other aisles, i overheard some salespeople whispering, "nandiyan pala si ????? alonzo". i wasn't able to get the first name. maybe it was bea alonzo, cute din ata yun. while getting items from my shopping list, i became more conscious of my surroundings hoping to get another glimpse kasi sayang naman. unfortunately, she seemed to know which aisles i'm going as i didn't see her at all.

i finished my shopping and proceeded to the counter. after paying for the groceries, i heard a few more salesladies whispering excitedly, "nandun si say sa counter na yun". so it was say alonzo. i looked - she was wearing a skirt and was all dolled-up. as i glanced back, i finally saw the "other" celebrity. it turns out she was in the same counter as me, only 3 shoppers behind. she had a bemused look, looking at say alonzo and how people were showering her with attention.

i left rustans and started walking for home. i was still thinking who that other celebrity was. then it hit me. crap, it was katrina halili - only FHM Philippines' sexiest girl of 2006. kung bumili kaya ako ng Gineb...este Tanduay, payag kaya siya magpa-picture? just thinking out loud.

and so ends a not so typical sunday night for me.

...
...
...

note:
i am pretty sure the girl was say alonzo (kasi nakapanood ako ng ilang eps ng pinoy big brother. hehe). as for the other girl, i still think its katrina halili, though i cannot vouch for it as i'm not really familiar with her. pero malay mo, bilog ang mundo.

Friday, January 19, 2007

bus

i was riding the bus on the way to bicutan to process some papers. in one of the bus' many stops, an old guy gets in, scans the seats and finally chooses to seat beside me. the bus begins to move.

he motions to the conductor and when he comes asked, "magkano ba para dalawa papuntang alabang?". the conductor was surprised. but he complied, giving a figure and the guy paying in coins the exact amount.

i wondered, this guy came in alone and will definitely go down alone. why in the world would he want to pay for two?

then i thought of something - maybe the guy lost his wife. maybe they are from alabang or were supposed to go there. maybe because he loved her so much, he feels her presence wherever he goes.

maybe i'm pushing it too far with that theory. but if that was really true then everything makes sense.

at least to me.

Thursday, December 28, 2006

happy holidays

we have ended another year. while there are a lot of things to be worried about, we also have more to be thankful for:

1) health - i'm still alive and kicking after 20+ years . i'm hoping to be around to see the election of a new president or me buying a laptop (whichever comes first).

2) family - a firm foundation that has given me a reason to keep on going. i am only with them a couple of weeks a year, but i know they understand. thanks for your love and support.

3) friends - they have made my life easier in more ways than i can think of. salamat.

happy holidays to us all.

Saturday, October 28, 2006

50 cent!!!

Kamukha ko ba si 50 cent? Saka bakit puro babae mga kahawig ko? Nakapagtataka...


Tuesday, December 06, 2005

sigiriya (pt 2)

Maraming bisita ang Sigiriya. May grupo na pinamumunuan ng isang Buddhist monk. May mga mag-syota na hawak-kamay na umaakyat sa matarik na hagdanan. May pamilya na, kasama ang lolo at lola, ay mabagal na naglalakad patungo sa tuktok. At ang mga usual na turista – Brits, Japanese at Germans. Plus 1 Filipino and 1 Thai.

Nakarating kami sa tuktok mga 1230 ng tanghali. Konting pahinga lang at ikot sa mga natitirang levels ang aming kinaya dahil walang lilim sa itaas. At nagsimula na rin ang aming pagbaba. Isa lang ang daan patungo sa tuktok – para siguro mabantayan at mapreserve ang ibang parte ng bato na hindi pa na-iimbestigahan. Naabot na ang paa ng leon ng nakakita kami ng isang unggoy na naghaharang sa hagdan. Sa area na ito, isang set ng iron steps pataas at pababa ang gagamitin upang makaabot sa level 1 ng bato. Minalas lang na ang kaharap ng tsonggo ay isang dosenang babae nakahilera. Takot silang umakyat at di naman din gumalaw ang unggoy. Ang unang kumurap talo.

Tatagal pa siguro ang stand-off kaya tinakot na namin ang unggoy. Buti naman at umalis na siya. Umakyat na ang mga babae at nakababa na rin kami. Habang pababa, sinabi ni prasanna ang isang trick ng arkitekto ng palasyo. Ang tuktok ay nasa isang plane na mas malapad sa lower area ng bato. Kaya tuwing umuulan, ang tubig na galing sa itaas ay diretso sa lupa at di tumutulo sa bato na magpapabilis ng erosion. Diri-diretso na ang aming pagbaba hanggang sa parking area. Umabot ng dalawa’t kalahating oras ang aming stay sa bato. Marami pa ang lugar na di namin nadaanan. Sa susunod na lang.

Dahil nasa area na rin kami, naisipan naming pumunta sa isa pang site – ang Golden Temple of Dambulla. Ito ay grupo ng limang kweba kung saan nakalagay ang iba’t ibang mga statues ni Buddha at ibang Hindu gods. Ang mga kweba ay nasa isang bundok kaya lalakarin pa. Pero ng tanungin ni prasanna kung gaano katagal ang paglalakad, aabot daw ito ng 1-2 hours kasama ang pabalik. Lagpas alas-dos na ng nakarating kami sa temple kaya postponed din ang trip na ito. Gagabihin na kami ng pagdating sa Colombo kung itutuloy namin ito.

Di pa kami nakakakain kaya naghanap kami ng lugar. Maraming hotels at restaurants sa tabi ng daan at nakapili kami ng isa. Nauna si prasanna upang magtanong at ang sabi niya ay buffet. Pwede na sana kaso may sabit – rice and curry buffet pala yun. Gusto nila kaya sumasama na rin ako.

Tatlong klase ng curry ang pagpipilian – chicken, fish at mango. Lahat sila ay di ko nagustuhan. Nakakain lang ako ng dalawang maliit na paa ng manok at konting kanin. Nag-order na rin ako ng dalawang Elephant ice cream na lasang Selecta. Nasiyahan naman sila sa pagkain dahil mura lang – 75php at unlimited pa. Matapos ang bill ay umalis na kami pabalik sa Colombo. Medyo nanghina ako sa kakalakad at di ito natulungan ng lunch ko. Bigla kong naalala yung fruit cake slice kong binili ng umaga. Yehey!

Maraming loko-lokong driver dito sa Sri Lanka. Maliit lang kasi ang kotse ni prasanna kaya pilitin man naming bilisan, di makakaya ng 900cc engine niya. Sa labas ng siyudad, nagiging art form ang overtaking nila sa daan na madalas dalawang lane lamang. May time na nakaabot kami sa isang maikling tulay at may malaking bus 50 meters ahead na nagpipilit mag-overtake, at pumunta sa lane namin. Wala na siyang lugar para mag-overtake. First (and hopefully last) time kong makakita ng isang bus na nagdrift. Nagswerve siya pabalik sa kanyang lane at naiwan ang likod ng bus. Nagcompensate naman kaya di kami nagkasalubong. May ilang beses rin na nakakita kami sa dalawang konduktor ng bus na naka-sabit lang sa pintuan habang nag-oovertake ng kahit ano – bisikleta, kotse, truck o bus. Yan ata ang tinatawag na testicular fortitude. Ito rin ang dahilan kung bakit maraming pulis ang nagbabantay sa daan upang hulihin ang mga lumalabag sa traffic law, kahit linggo.

One time, nagtry din si prasanna na mag-overtake pero nabitin kasi kaya di na niya tinuloy. Malas lang na ginawa namin ito sa harap ng outpost ng pulis. Kinausap ni prasanna at bumalik siya ng walang lisensya. Ayon sa SL traffic rules, kapag broken lines ang nasa daan (- - -), pwedeng pumunta sa other lane. Kapag dalawang straight lines (====), di pwedeng umovertake. At kapag isang straight line (___), pwedeng umovertake pero dapat bumalik kaagad sa sariling lane. Nasa gitna pala kami ng daan na may straight line kaya kami pinahinto. Mura lang naman ang fine (500 rupees), ang hassle lang ang pagkuha ng lisensya matapos ang ilang linggo.

Tumuloy ang aming paglalakbay (ng mas mabagal at mas ingat. he he). Dahil mas mabagal na ang aming takbo, mas marami kaming nakita. Napansin ni Wikrom na sa isang lugar ang mga tindera ng prutas sa tabi ng daan ay may make-up at magagara ang damit. Sa isang lugar naman, di ganun kaganda ang presentation.

Madilim na madilim na ng alas-sais ng gabi at nagsisimula ng umulan. Nakatatlong junction siguro kami, at ang una naming liko ay mali. Di bukas ang mga streetlights kaya dagdag na hirap maghanap ng tamang daan. Pero sa wakas ay nakaabot din kami sa lugar nina prasanna. Dumaan muna kami roon upang mag-dinner ng boiled vegetables at itlog. Okey pala ang ganung dinner – nakakabusog at masustansya pa. Matapos ang dinner, dinaan na kami ni prasanna sa bus stop at dumiretso na kami pabalik sa hotel. Nakarating kami sa bahay ng 8:30 pm – tamang-tama para manood ng Nine Months.

15 hours and 340 kilometers. Over a thousand steps with 6 buko juices, 1 curry buffet and 1 fruit cake slice. A history lesson, cultural lesson and driving lesson packed in one journey. Gaya ng sabi sa kanilang tourism website, only in Sri Lanka – a land like no other.

Various pictures:

upuan ni king

below is the lion's paw

i feel so small...
may malaking buddha sa malayo

may malaking buddha, mas malapit

king coconut

eco-hotel

casa prasanna

Monday, December 05, 2005

sigiriya (pt 1)

Malapit ng umuwi ang mga tao dito. Kaya kahapon, marami ang nagsipagbili ng mga pangregalo at nagshopping ng kung anu-ano. Para sa amin ni Wikrom at Prasanna, ito ang naging panahon upang maglakbay sa Sigiriya, the Rock Citadel.

Nagsimula ang araw namin ng alas-kwatro ng madaling araw. Ang plano ay magkikita na lang kami ni prasanna sa bus stop malapit sa kanila dahil ang lugar niya ang junction patungo sa Sigiriya. Malayo rin ang bahay niya – siguro Makati hanggang Cubao pero ang pamasahe sa bus ay 15 rupees (7.5php) lang. Ayos din ang bus – may mga pictures ni Buddha na pinapalibutan ng blinking lights. Ewan ko lang kung dahil malapit na ang pasko o ganun talaga yun. Naghintay kami ng halos 20 minutes sa bus stop bago nakita namin siya at dun nagsimula ang aming paglalakbay.

Ang orihinal na plano ay kasama sina Daniel at Chandra ngunit nagback-out ang dalawa. Kung natuloy yun, mag-arkila sana kami ng van. Dahil wala, sumakay kami sa kotse ni prasanna na parang sasakyan ni Mr Bean. Isang Nissan March na maliit pero komportable sa loob.

May nadaanan kaming temple kung saan lahat ng kotse ay humihinto at naghuhulog ng barya sa isang butas sa pader. Sabi ni prasanna, ito ay prayer to the gods for safe travel. Huminto rin kami at naglagay ng barya. Saka mayroon kaming nadaanang lugar na may maraming white flags. Ito raw ay simbolo na may namatay na tao. Sabi niya bka dahil sa mga wild elephants. Malapit din sa mga white flags ang isang Buddhist crematorium. Tradisyon nila na sunugin ang katawan ng namatay at ikalat ang abo sa ilog o sa lugar na paborito ng tao.

Totoo ang sabi ni prasanna na isang oras sa labas ng Colombo ay ibang tanawin na ang makikita. Marami kaming nadaanang palayan at dalawang forest reserve. Dun sa loob ng forest, huminto kami sa may nagtitinda ng buko at mais. May maliit ding shrine kung saan ang mga tao ay naglalagay ng mga dahon – ito naman ay para sa mga gods ng forest sa mga taong nais pumasok sa loob. Sa tabi ng daan, may mahabang vine na parang tali ni Tarzan na hinahawakan ng lalaki. Nung tinanong ko si prasanna, wala lang daw yun – siguro panglinis ng kamay matapos umihi. Ah!

Matapos ang dalawang oras ng paglalakbay, huminto kami sa lugar na may maraming roadside shops. Dito kami kumain ng almusal. Ang tipikal na almusal nila ay ang tinatawag na string hoppers na sotanghon na pinagsama upang maging bilog ang hugis. Nilalagyan nila ito ng kung anu-anong sahog gaya ng mais o isda. Mayroon din silang hoppers lang na pinainit na flour. Bowl-shaped siya na ang labas ay lasang barquiron at ang gitna ay parang bibingka. At sinamahan ito ng tsaa na may luya (weird talaga sila no?). Ang lahat-lahat ay umabot ng 100php. Medyo nabitin ako kaya bumili ako ng fruit cake slice. At tumuloy na ang aming journey.

Sa puntong ito may mga eco-hotel na gustong daanan si prasanna. Nais niya palang magtayo ng ganito. Villa style siya ngunit walang tv, walang sports courts. Konting mga cottages lang na gawa sa clay. Ang punto ng isang eco-hotel ay para mag-commune with nature and with your loved one. Di pwede ang maiingay na activities gaya ng sports. Tahimik na pamumuhay. May mga activities din gaya ng clay making para feel mo villager ka. Maganda ang concept pero di ko siguro makakaya ang tumira ng matagal sa ganung lugar.

Anyway, after the slight detour, tuloy na naman kami. May napansin si prasanna na bagong juice shop (Juiceez) na subsidized ng government kaya nag-stopover na naman kami. Fresh juices and yoghurt/curd ang ginagawa dun. Umorder ako ng watermelon at sila ay pumili ng lime. Sinamahan ito ng fresh yoghurt. Ang pagkakaiba raw ng curd sa yoghurt ay pinatamis ang yoghurt. Totoo kaya? Ayos na pwesto kasi kasama ng drink mo ay may plastic mat na nagsasabi sa medicinal value ng iniinom mo. Pinulot ko yung ibang mats na iniwan ng mga tao. Ang galing pala ng mango: “Rich source of carotenic and ascorbic acid. Useful in night blindness; possesses laxative diuretic and invigorative properties…” Wala palang kwenta ang iniinom kong watermelon: “Quenches thirst when eaten as fresh fruit.” =(

Nakarating kami malapit sa The Rock ng mga 1030am. Pero may mga sagabal pa rin sa aming pag-akyat. Dahil kasama siya sa World Heritaga List, kelangan magbayad ng entrance fee. May nakasulat sa harap ng ticket house in Singhala na 20 at 10. Siguro bente (10php) pangmatanda at diyes (5php) ang pangbata. Prices for locals pala yun sa gilid ng ticket house nakasulat ang para sa amin – tumataginting na 20USD (2000 rupees). Hwatta! 100x increase. Ang kasama sa ticket ay ang stub na nagsisilbi ring isang postcard. Magulo ang setup dahil ang layo ng ticket house sa entrance area ng site, dagdag na 15-minute ride.

Dala ang aming 20 dollar postcard, pinayagan na kaming pumasok sa entrance ng Sigiriya. Makulay ang kwento kung bakit ginawa ang Sigiriya. Nais ni Prince Kasyapa na makuha ang kaharian sa kanyang daddy, pero ito ay ibibigay sa kapatid niyang si Prince Mogallana. Mahirap tagalugin kaya ang ginawa niya ay “he walled up alive his father” habang wala ang kanyang kapatid. At tumakas siya patungo sa isang rock fortress na naging Sigiriya. Mautak si Kasyapa sa pagpili ng lugar. Ang kanyang bagong palasyo ay nasa malaking bloke ng lupa sa gitna ng kagubatan ngunit nakikita lang ito sa konting piling daan. Kaya nakikita niya kaagad ang kanyang mga kalaban habang malaki ang posibilidad na maligaw ang mga ito ng di man lang matatanaw ang kanyang palasyo. Pero mas mautak naman ang kanyang kapatid – nagdala ito ng libu-libong sundalo at sumugod sa kanyang lugar. Natakot ang hari, at sinabing tumalon ito galing sa taas ng kanyang palasyo.

Kung tutuusin, hindi ang palasyo kundi ang grounds niya ang malaki. Kung may harem ka nga naman ng limandaang babae, kailangan mo talaga ng malaking lupain. Maraming gardens, fountains at pools ang nakapalibot sa baba ng malaking bato. Pero bago pa man makaabot dun, marami pang dadaanang pagsubok ang sinumang gustong lumusob dito.

Ang Sigiriya ay tinawag na rock fortress o citadel. Ang first line of defense nito ay moat na punung puno ng buwaya. Hanggang ngayon ay meron pa rin (pero konti na lang), kaya maraming signs na nagsasabi huwag lumangoy. Kahit naman walang sign e ang may topak lang ang lalangoy dun – maputik at mabato ang moat.

Nakalagpas kami sa first line of defense gamit ang mga tulay na gawa ng bato, ngunit may susunod na pagsubok para sa amin – ang tourist traps. Dahil ten pesos nga lang ang entrance para sa mga locals, marami ang pumupunta upang magtinda ng kung anu-anong abubot. Ang dumaan dun ay parang natransport ka sa Virra Mall (“dvd boss…gusto niyo x?”). “Open this, it’s a sacred box…;Postcards here…;No business today, for you only 700 rupees…” Grabe, madrama rin ang mga vendors nila. Tumuloy lang kami. Buti kasama si prasanna para may kumausap sa kanila.

Marami ring iba’t ibang hayop sa loob ng area. Aside sa mga buwaya, may nakita kaming mga chameleon at mga monitor lizards. May mga hornet’s nests din kaya di pwede ang mag-ingay. May elepante rin daw dati pero wala na ngayon. Tsk tsk, sayang ang photo op.


Ginawa ni king ang grounds niya by levels na parang rice terraces. Parang kada-sampung steps ay nasa bagong level ka na naman. Talagang nakakapagod ang maglakad sa kanyang kaharian. Pero magandang exercise na rin para sa amin na buong araw nasa opisina. At sa wakas nakaabot na kami sa base ng rock. 200 meters ang taas ng bato at mabuti na lang na may series of ladders and steps para makaabot sa tuktok. Along the way, nakita namin ang isang pader na puno ng drawings ng mga babae – baka mga concubines niya. At may tinatawag silang mirror wall, kung saan may nagsulat ng mga poems ang king. Sayang ang di naprotektahan ang mga ito. Ngayon, puno ito ng mga scribble ng mga pangalan ng kung sinu-sino.


Pwedeng hatiin ang bato sa dalawa – ang first level (mirror wall, paintings, assorted pools, fountains, etc). Ang pangalawa ang tuktok kung saan ang throne room at reception area. Matapos ang first level ang steps patungo sa tuktok ay binabantayan ng lion’s paw, ang paa ng lion naka-carve sa bato at sa gitna nito ang steps paakyat. A king guarding a king.


May mga ilang levels pa rin bago maabot ang throne room sa tuktok. Sa laki ng nasa baba, nakakagulat na maliit lang ang pinakatuktok niya. Kalaki siguro ng ground floor opis ng SA Manila. Pero sa taas na ito, makikita mo ang sakop ng kanyang lupain. Ang kagubatan, malaking statue ni buddha, lakes - lahat ng ito ay kitang-kita sa taas ng bato. Feel mo na nasa tabi mo si King Mufasa na nagsu-survey ng kanyang kaharian. Pag nasa tuktok ka na, talagang masasabi mong masarap pa lang maging hari. =D