Friday, June 03, 2005

turn the ignition

Moody ang weather dito. May tao sa Itaas na nagbubukas ng gripo tas bigla na lang papatayin.

Kung baguhan ka sa lugar, madali ka talagang maloko. May tricycle sila dito, tawag ay tuktuk or trishaw(?). Bale, yung driver nasa front seat (siyempre) at yung mga pasahero (tatlo lang ang pwede) nasa isang seat sa likod niya. Yung unang trip namin gamit ang tuktuk umabot ng R150. Next time, R70 na. Ngayon R50 na siya. Mukha siguro kaming foreigner e, lalo na't kasama namin si Daniel, galing sa SA Singapore. Yung exchange rate pala dito is $1=Php55=R100.

Nakakaaliw pala ang CR nila sa bank. Parang kotse yung flush nila, paulit-ulit mong i-turn ang “ignition switch” para mag-“start”. Hehe.

Napansin ko rin na laging nagko-costume ang mga tao dito. Yung mga lalaki nila, marami ang nakapalda/sarong/batik/dikoalamanungtawag. At naka-kwelyo ang pantaas nila. Pormal na sa lalaki ang naka-maong at nakapolo kapag may lakad sila. Yung mga babae naman, naka-‘gown’ na two piece so kita ang tiyan. Pero may mahaba silang kumot na nakapalibot sa katawan para di mainitan ang tiyan nila. Colorful ang mga suot ng babae.

Maraming crow dito sa Colombo. Nakakapagtaka nga dahil ilang beses na akong nakakakita sa kanila na lumilipad sa harap ng mabilis na sasakyan pero di sila nadidisgrasya. Namaster na ata nila ang living on the edge dito.

Medyo may kamahalan ang food dito compared sa Manila. Yung KFC Zinger meal nga nila umaabot ng R240 (so mga $2.4) at ang liit pa, parang yung pinakamura ng KFC natin na Chicken burger meal. Natikman ko rin yung “Chinese” chicken meal nila na di ko pa rin alam kung bakit tinawag na Chinese. Parang Rice bowl meal na may konting gulay. At maanghang halos lahat ng food dito. Pati nga ketchup ng Mcdo nila maanghang e. Kung food mahal, paano pa kaya ang mga gamit dito? Ngayon ko lang naintindihan kung bakit bumili yung mga taga-bank ng maraming mga plato at kung anu-ano pa sa Manila. May mga pinadala nga sa amin e kasi nag-excess na ata sila. Sana naman manglibre sila, basta wag lang maanghang. Ang bigat pa naman nung bowl. =)

Speaking of food, nakakapanibago ang lunchtime nila. Office hours is 9-6 pero lunch nila is 2pm. Nakakagutom talaga dito.

Plano nga rin pala na mag-daytrip ngayong Linggo. Kung matuloy, makikita na namin ang mga elepante at yung ngipin ni Buddha. Abangan.

Simula ngayon ng Cycle 0. Sana naman wala na masyadong issues. Ilang buwan din na sakripisyo ang ginawa ng team para sa project na to. Equivalent trade ika nga - ang lahat ng hirap ay may kapalit na ginhawa, di nga lang natin alam kung kailan…pero sana malapit na.

Quote for the day: "We went to manila zoo once...the elephants were poor in nutrition..." (sri lankan speaking on condition of anonymity)

p.s. pasensiya na kung medyo rambling o walang sense ang mga sinusulat ko. weird ang net dito at walang PC sa bahay kaya nag-iisip na lang ako on the fly kung ano ang isusulat. :p

10 comments:

Alec Macatangay said...

ayus lang yan! so 0 elephant sightings ka pa rin. :D

ianclarito said...

sana nga. pero marami raw talaga dito, parang kalabaw sa probinsiya. hehe.

ang lamig din sa office nila, sisipunin ka :(

ippo said...

Sa kFC ba dyan, maanghang din yung Original nila? E yung Hot and Crispy?

ianclarito said...

yun din pala, walang original recipe. parang lumalabas na choice mo is Spicy or Extra spicy. hehe.

kaya ko nga pinili yung Chinese meal dahil kala ko di maanghang e. :(

Anonymous said...

ey ian....ayan ikaw din may blog na...parami na ng parami ang mga nababasa ko :D...may kitchen ba kyo dyan? mag luto nlng kyo para panibagong adventure ulit un ;)

ianclarito said...

haha. may kitchen. ayos nga e, yung mga plato't utensils namin nalilinis magically pag-uwi namin (baka may dobby ala harry potter dito? hmmm....).

try naming magluto one of these days. for now, bread, biscuits and juice ang staple namin. =)

francesbean said...

Sari ata yung tawag sa damit ng mga babae eh? Ang mahal naman ng food dyan.. :P

ianclarito said...

yup. medyo mahal, at least dun sa mga fastfood stores. di pa kami nakatry sa mga "authentic" restaurants, malamang maanghang e. hehe.

dun sa mcdo nila, nag mcsausage breakfast meal ako - mga php60 ang labas. at pag breakfast dun, dapat hot drink lang, kung gusto ng juice magdadagdag pa ng around php10. tsk tsk. =(

botchok said...

mura pa mcdo dyan, dito sa prague isang meal CZK109 * PHP2.4 = PHP261.60.. pero in fairness, malaki naman burger and fries nila.. tama lang sa mga higanteng tao dito.. hehehe.. =P

ianclarito said...

hehe. ok a. pero weird din kasi di nagdedeliver ang mcdo nila dito. pati nga kfc e. ayaw siguro nilang kumita. :(