Moody ang weather dito. May tao sa Itaas na nagbubukas ng gripo tas bigla na lang papatayin.
Kung baguhan ka sa lugar, madali ka talagang maloko. May tricycle sila dito, tawag ay tuktuk or trishaw(?). Bale, yung driver nasa front seat (siyempre) at yung mga pasahero (tatlo lang ang pwede) nasa isang seat sa likod niya. Yung unang trip namin gamit ang tuktuk umabot ng R150. Next time, R70 na. Ngayon R50 na siya. Mukha siguro kaming foreigner e, lalo na't kasama namin si Daniel, galing sa SA
Nakakaaliw pala ang CR nila sa bank. Parang kotse yung flush nila, paulit-ulit mong i-turn ang “ignition switch” para mag-“start”. Hehe.
Napansin ko rin na laging nagko-costume ang mga tao dito. Yung mga lalaki nila, marami ang nakapalda/sarong/batik/dikoalamanungtawag. At naka-kwelyo ang pantaas nila. Pormal na sa lalaki ang naka-maong at nakapolo kapag may lakad sila. Yung mga babae naman, naka-‘gown’ na two piece so kita ang tiyan. Pero may mahaba silang kumot na nakapalibot sa katawan para di mainitan ang tiyan nila. Colorful ang mga suot ng babae.
Maraming crow dito sa
Medyo may kamahalan ang food dito compared sa
Speaking of food, nakakapanibago ang lunchtime nila. Office hours is 9-6 pero lunch nila is 2pm. Nakakagutom talaga dito.
Simula ngayon ng Cycle 0.
Quote for the day: "We went to manila zoo once...the elephants were poor in nutrition..." (sri lankan speaking on condition of anonymity)
p.s. pasensiya na kung medyo rambling o walang sense ang mga sinusulat ko. weird ang net dito at walang PC sa bahay kaya nag-iisip na lang ako on the fly kung ano ang isusulat. :p
10 comments:
ayus lang yan! so 0 elephant sightings ka pa rin. :D
sana nga. pero marami raw talaga dito, parang kalabaw sa probinsiya. hehe.
ang lamig din sa office nila, sisipunin ka :(
Sa kFC ba dyan, maanghang din yung Original nila? E yung Hot and Crispy?
yun din pala, walang original recipe. parang lumalabas na choice mo is Spicy or Extra spicy. hehe.
kaya ko nga pinili yung Chinese meal dahil kala ko di maanghang e. :(
ey ian....ayan ikaw din may blog na...parami na ng parami ang mga nababasa ko :D...may kitchen ba kyo dyan? mag luto nlng kyo para panibagong adventure ulit un ;)
haha. may kitchen. ayos nga e, yung mga plato't utensils namin nalilinis magically pag-uwi namin (baka may dobby ala harry potter dito? hmmm....).
try naming magluto one of these days. for now, bread, biscuits and juice ang staple namin. =)
Sari ata yung tawag sa damit ng mga babae eh? Ang mahal naman ng food dyan.. :P
yup. medyo mahal, at least dun sa mga fastfood stores. di pa kami nakatry sa mga "authentic" restaurants, malamang maanghang e. hehe.
dun sa mcdo nila, nag mcsausage breakfast meal ako - mga php60 ang labas. at pag breakfast dun, dapat hot drink lang, kung gusto ng juice magdadagdag pa ng around php10. tsk tsk. =(
mura pa mcdo dyan, dito sa prague isang meal CZK109 * PHP2.4 = PHP261.60.. pero in fairness, malaki naman burger and fries nila.. tama lang sa mga higanteng tao dito.. hehehe.. =P
hehe. ok a. pero weird din kasi di nagdedeliver ang mcdo nila dito. pati nga kfc e. ayaw siguro nilang kumita. :(
Post a Comment